Chapter 37

6.6K 195 31
                                    

~Chapter 37~


----Saxon POV----

Nakatingin lamang kami sa kanya at sa mga nyebeng unti unti ng inililipad ng hangin hanggang sa kusa iyong nawala

Unti unting itinaas ng nilalang ang kanyang mukha hanggang sa makita namin ang kanyang nagliliwanag na pilak na mga mata

Seryoso itong nakatingin saamin habang kami ni Buhangin ay pinagmamasdan lang din siya

Hindi ko alam pero ang presensya niya

Ay napakapamilyar


"We shouldn't let him escape!"


Agad na namula ang mata ni Blair at gumapang ang buhangin niya papunta sa pwesto ng nilalang na nyebe

Nagulat kami ni Blair ng unti unting nagiging nyebe ang gumagapang niyang mga buhangin

Ikinumpas ko ang kanang kamay ko papunta sa nilalang na nyebe at agad na lumipad papunta sa kanya ang limang baraha

Pero ng tumama iyon sa kanyang katawan ay naging nyebe ang kanyang katawan at mabilis na nawala sa paningin namin ni Blair

"Where did he go?" - Blair


Inilibot namin ang paningin namin sa buong lugar pero hindi namin siya makita

Pero alam kong narito pa siya

Dahil ang lamig sa simoy ng hangin ay ramdam ko pa rin


"Umilag ka!!" - sigaw ko kay Blair ng makita ko ang tatlong matatalim na patak ng nyebe na papunta sa direksyon namin

Napamura ako ng biglang sumabog iyon at may mga maliliit pang snowflakes na sumabog sa paligid

"Shit!"

Hinawakan ko ang braso ko na natamaan ng nyebe niya

Ang talim pala nun

Langya! Ano ba ang nilalang na ito?!

pinakiramdaman ko ang sugat ko sa aking braso

Napakunot ako ng may mapansin ako

Nilingon ko si Blair na hindi lang kalayuan saakin

Maging siya ay may tama

Napakunot noo ako ng makaramdam ako ng hapdi sa pisngi ko

Pinunasan ko iyon at agad na nag init ang ulo ko ng makita ko ang dugo sa kamay ko


"Fuck! You hit my face!!!" - sigaw ko sa nilalang na nyebe na nakatayo may kalayuan saamin

Tumakbo ako at saka nagpalabas ng mga baraha sa pagitan ng mga daliri ng kanang kamay ko at habang tumatakbo ay pinalipad ko iyon papunta sakanya

Hindi siya kumilos at nakatingin lang siya saakin

Mas lalong kumulo ang dugo ko ng bago pa man dumampi sa kanya ang dulo ng mga baraha ko ay kaagad na iyong naging nyebe


"Any attack won't make any sense" - sambit niya

Kung gaano kalamig ang simoy ng hangin ay doble pa ata ang lamig ng pananalita niya

Walang kaemo-emosyon ang nilalang na kaharap namin ngayon ni Blair


"Sino kang nilalang ka?!" - sigaw ko


"Mga kakampi rin ba nila kayo?" - tanong niya

Dark PiecesWhere stories live. Discover now