Chapter 39

6.5K 197 11
                                    

Author's Note!!!

For clarification... Ang book 2 ng Dark Series.. a Dark Pieces ay hinango ko sa larong CHESS.. kaya po siya Dark Pieces: The battle of Life... Hindi lang po title ang hinango ko sa larong Chess kundi pati na rin ang plot. So ang mga character na sinasabi ko ay inirerepresenta ng pyesa sa larong chess...



~Chapter 39~

----Freya POV----

Tumigil kami ng tumigil sila Kyran na nasa unahan namin

Nasa isa kaming eskinita

At puro tahol ng aso lang ang maririnig sa paligid

At nagkakagulo ang mga ito at nagsisialulungan


"Maghanda kayo" - Kyran


Agad na pinalibutan ako nila Axel

Pinakiramdaman ko ang paligid

At may kakaibang enerhiya akong nararamdaman

Agad na sinangga ng vines ng rosas ni Kyran ang nagsiliparang punyal na gawa sa purong pilak papunta sa pwesto namin

At mula sa mga sulok ay nagsilabasan ang lampas sampong tao na may mga armas sa kanilang itim na kasuotang may hood

Mabilis na bumaba ang gravity sa paligid dahilan para biglang magsihulugan ang iba pa nitong mga kasamahan na may mga pana mula sa taas ng mga pader


"Sino kayo?" - Kyran


Nagsilabasan sila ng kanya kanyang armas na puro gawa sa pilak

"Mga Hunter. Naandito kami para puksain kayo!"


Hunter?


"Huwag niyo silang papatayin! Hanggat maaari" - sambit ko bago nagsisuguran sila Grey

Nanatili naman akong nakatayo lang sa may likuran habang pinagmamasdan ang mga Hunter

Hindi sakanila nanggagaling ang enerhiyang naramdaman ko kanina

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid

May iba pang nilalang na narito maliban saamin

Napahinto ang mata ko sa isa pang eskinita malapit sa pwesto namin

At nakita ko roon ang kumikislap na pulang mga mata


"Ahhhhhh!!!!"


Nilingon ko sila Kyran

At nagulat ako ng makita ko ang lumilipad na putol na katawan ng isang hunter na lumapag sa harapan ko

Tumingin ako sa harapan at nakita ko sila Kyran na ngayon ay hindi na mga hunter ang kalaban kundi mga lobo

Muli kong nilingon ang nakita ko kanina na ngayon ay naandun parin pero tumalikod na ito at saka nag umpisang maglakad palayo

Tumingin ako kila Axel na abala sa pakikipaglaban

Hindi naman nila mapapansin na wala ako

Agad akong tumakbo para habulin ang babaeng nakita ko

Ginamit ko ang vampire speed at tanging ang presenya niya lamang ang sinusundan ko hanggang sa tumigil ako sa isang bakanteng lote

Wala na ditong kabahayan

Tanging malawak na lupa lamang ang narito na napapalibutan ng matataas na pader at may mangilan ngilan na mga poste


"Lumabas ka!" - sigaw ko


Dark PiecesWhere stories live. Discover now