Chapter 30

6.5K 198 2
                                    

Dedicated to:
CyrilDoktor
user14248678
LalaBrydger
user72554255
athena_jireh
jessymaebeira
luvzutto
AngelieFrias


~Chapter 30~



----Freya POV----

"Kamusta na ang mga mamayan ng Parua?" - tanong ko kay Zeyton na nasa likuran ko



"Nasa maayos na silang kalagayan"



"Alam niyo ba kung nasaan ngayon si Kyran?"



"Bihira namin siyang makita sa labas. Natitiyak kong nasa silid niya lamang siya" - sagot ni Miya



Masyadong abala si Kyran nitong mga nakaraang araw

Mas mainam kung wag ko muna siyang abalahin



"Kamusta Freya?"



Nilingon ko sila Reed na nakaupo habang nakatingin saakin



"Maayos naman. Kamusta na pala ang Acheron?"



"Kagaya pa rin ng dati. Pero mukhang ngayon ay bubuksan na ni kamahalan ang tarangkahan ng Acheron" - Matthew


Kung ganun ay sasali na rin ang kaharian ng Acheron sa kaguluhang nangyayari ngayon sa Dark Empire

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip na mangyayari pala ang kaguluhang ito

Maraming may nais sakupin ang Parua Abellon, kayat naging isang malaking problema iyon nila Kyran

Kung sana ay narito siya... Kung sana ay naririto lang siya



"Ayos ka lang ba Freya?"



Napakurap kurap ako at nakitang lahat sila ay nakatingin na pala saakin


"H-ha?"



"Mukhang may malalim kang iniisip" - Ali


"Kanina ka pa hinahanap ni Ax. Nasa labas siya ngayon ng palasyo" - Froy


"Mabuti pa at samahan na kita, Eya" - Blair at saka tumayo


Sabay naman na kaming naglakad palabas ng palasyo ni Blair


"Eya"


Napalingon ako kay Blair ng tawagin niya ako


"Maaari ba akong magtanong?"


"Ano bang itatanong mo?"


"Mahal mo pa ba si Luan?"


Napahinto ako sa paglalakad gayun din siya


"Hayaan mo na. Wag mo na lamang sagutin ang tanong ko"


Nanatiling nakatingin lamang ako sa likuran ni Blair na ngayon ay naglalakad na papalayo

Im sorry Blair...

Hindi ko pa alam ang isasagot ko


Dahil ako mismo ay hindi ko pa alam ang kasagutan niyon sa sarili ko...








Dark PiecesWhere stories live. Discover now