Chapter 28

6.9K 198 8
                                    

NOTE!!


marami raming update po para ngayon. Kasi BAKA hindi po ako makapag update next weekend. Di pa po un sigurado kaya wag mo ng mag welga -______-"

At pakiusap lang po PLEASE DONT SPOIL THE STORY

Nasisira ang plot ko dahil sa mga spoiler pufff.. un lang po. Kamsahamnida 😊😊😊😊



~Chapter 28~

----Freya POV----

"Ahm, pwedeng magtanong?"

Lumingon saakin si Axel na nasa tabi ko

Naglalakad lakad kami ngayon sa labas ng kaharian

"Close talaga kayo ni Blair nuh?" - tanong ko at saka lumingon sa likuran namin kung nasaan nakasunod saamin si Blair

"Yeah. Mas nagkakasundo kaming dalawa kaysa sa iba naming kapatid"

sabagay sila lang naman dalawa ang buong magkapatid sa mga L'vierdon

Napahinto ako sa paglalakad dahilan para huminto rin siya

"May problema ba?" - rinig kong tanong niya

Pero tila napako ang tingin ko sa malawak na hardin ng palasyo ng Parua na tanging mga mapupulang rosas lamang ang nakatanim

Wala sa sariling naglakad ako papunta roon

Matiim kong pinagmasdan ang mga mapupulang rosas habang naglalakad sa loob ng hardin

Huminto ako sa paglalakad at saka itinaas ang nanginginig kong kamay upang hawakan ang isang rosas

Kasabay ng isang patak ng luha ang alaalang pumasok sa aking isipan

Sa gitna ng mga rosas niya ako unang kinagat

Sa hardin ng Elesio

At sa gitna rin ng mga mapupulang rosas siya naglaho sa mismong harapan ko

Saksi ang mga rosas sa mga pangyayaring nagpabago sa buhay ko

Saksi sila sa nangyari saamin ng aking prinsipe

Sila lamang ang tanging saksi sa una at huli naming pagkikita ng aking prinsipe... ng prinsipe ng mga nyebe

Napabitaw ako sa rosas na hinawakan ko ng biglang may humawak sa braso ko at saka ako pinaharap sakanya

Nakatitig lamang ako sa kanyang mukha habang marahan niyang pinupunasan ang mga luha sa aking pisngi at mata

"Please..."

Nangunot ang aking noo ng magsalita siya

"Please don't cry if I'm around"

Napatitig ako sa kanyang tsokolateng mga mata at ang natural nitong mga matang walang ekspresyon, ngayon ay nababakasan ko ng sobrang kalungkutan at sakit

"Because... its killing me"

Awtomatikong gumalaw ang aking kamay at hinaplos ang kanyang pisngi

Dark PiecesWhere stories live. Discover now