Chapter 57

7.7K 208 18
                                    

~Chapter 57~

----Envy POV----

Umahon ako mula sa tubig na nasa tub at saka naglakad papunta sa harapan ng salamin

Pinagmasdan ko ang luntiang buhok at mga mata ko sa salamin

At napadako ang aking tingin sa aking tagiliran

Hinaplos ko ang itim na marka ng sugat na naroon

Ang sugat na nakuha ko ng nakaharap ko si Pride sa mundo ng mga mortal ng gabing ginising siya ni Luan

Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon saakin dahil lang sa inutos iyon ng bampirang kinahihimlayan niya

Siguro kung nasa kanya lang ang buo niyang kapangyarihan ay napatay na niya ako ng gabing iyon

Alam kong nagalit ko siya dahil pinagtangkaan kong patayin ng gabing iyon ang bampirang kanyang kinakukulungan. Kapag namatay si Luan. Mamamatay rin si Pride

Kaya nasisiguro kong magkakaharap na naman kami bukas sa araw ng laro

Hindi niya ako matatalo. Hanggat wala sakanya ang tunay niyang kapangyarihan. At kapag nagkataon mang mapasakanya iyon...

Walang katiyakan kung bubuhayin niya pa ako







----Freya POV----

Naglalakad lakad ako habang nakayuko sa pasilyo kasama si Sky

Hindi ako makatulog. Bukas na ang laro at hindi ako mapakali

Malakas ang kutob kong magkakaharap kami bukas ng Legendary Phoenix

"Grrrr!"

Napatigil ako sa paglalakad at tinignan ko si Sky

nakatingin siya sa harapan kaya humarap din ako at nakita ko si Pride na nasa daraanan namin

Nakatayo siya sa gilid lamang ng salaming bintana na nakabukas

Kaya't ng humangin ay tinangay ang kanyang mahabang lilang buhok

Maangas siyang nakatingin ng diretso saakin

Patay ang kulay ng kanyang lilang mga mata hindi tulad ng kay Dion na may pagkabuhay ang kulay lila nitong mga mata

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang masamang nakatingin si Sky kay Pride

Huminto ako sa harapan niya at napatingin siya sa baba kung nasaan si Sky

"Hindi gusto ng mga legendary creature ang mga dyablo" - sambit niya

Nilingon ko si Sky

"Sky bumalik kana sa kwarto"

Tumingin ito saakin at saka muling tumingin kay Pride bago ito umalis

Muli kong tinignan si Pride

"Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa pagligtas mo saakin noon sa mundo ng mga tao"

"Kalimutan mo na lamang ang bagay na iyon"

Pinagmasdan ko ang blanko niyang mukha

Nakakatakot tignan si Pride. Hindi dahil sa malahalimaw siya. Sa totoo niyan ay gwapong dyablo si Pride. Katulad din naman nila Rage. Huwag lang silang mag aanyong dyablo. Dahil nakakatakot talaga silang tignan

Naiintimidate lang akong tignan siya dahil parang may kakaibang pwersang nakapalibot sakanya. At ang mga tingin niya ay nakapagbibigay saakin ng kakaibang takot

"You scared of me hu?"

Napakurap ako sa sinabi niya

"I can read your mind"

Dark PiecesWhere stories live. Discover now