Chapter 43

6.9K 194 47
                                    

Please read the author's note below...

~Chapter 43~

----Kyran POV----

"Envy"

"My pleasure that you know me hmm"

"Anong pinaplano ni Vladimir at pinadala niya rito ang isang tulad mo?"

"Wag kang mag alala. Hindi ikaw ang ipinunta ko"

ibinaling niya ang tingin kay Freya

Agad na nagsiharangan sila Grey at Axel sa harapan ni Freya

"Hahaha. Hihiramin ko lang naman siya. Saglit lang"


Agad akong naalerto ng kumislap ang berde niyang mga mata

Mabilis siyang nawala sa pwesto niya

"Saxon!" - sigaw ko kay Saxon na nasa malapit nila Freya

Kaagad niyang itinapon pahalang sa ere ang mga baraha niyang nakahanay na pumalibot sakanila nila Freya

I tried to call Sloth in my mind but he didn't respond

Damn this demon!

Kapag kailangan wala!

Napatingin bigla sila Saxon sa lupa ng biglang may magsilbasan na kulay berdeng usok sa kinatatayuan nila kaagad na nanghina si Saxon

Ang kapangyarihan ni Envy

lason


"Umalis kayo sa usok! Lason iyan!!"

Kaagad kong itinaas ang kaliwang kamay ko na agad namang naintindihan ni Dion

pero bago pa man siyang makagawa ng mahika ay napaluhod na siya sa lupa

At kita kong kahit sa pwesto niya ay may berdeng usok na rin

Shit! This is not good!

Napalingon ako kila Axel at Grey na ngayon ay nanghihina na ring pinipilit na manatiling makatayo at nasa pwesto na nila ang berdeng usok

Tatakbo na sana ako palapit kay Freya ng biglang matumba ako at hindi ko na maramdaman ang katawan ko


"Nakalimutan niyo na atang narito pa kami"


Pinilit kong tignan ang nagsalita na nasa harapan ko

Ang bampirang may itim na buhok

So he can paralyze huh


"Well well well. Wala ng mga sabagal. Maaari na ba tayong umalis?"


Ibinaling ko ang tingin ko sa pwesto kung nasaan sila Freya

Nakahandusay na sila Axel sa lupa habang nanghihina

Namula ang mata ni Freya at kaagad siyang napalibutan ng asul na apoy


"Wag mong piliting pati ikaw ay lasunin ko"


Ikinumpas nito ang kanyang kamay at mabilis na nahawi ang asul na apoy na nakapalibot kay Freya

"Hanggang ngayon pala ay hindi mo pa pala masyadong gamay ang asul na apoy"

Nag umpisa siyang naglakad palapit kay Freya

"Mahina ka pa rin"

"Umalis kana Freya!!" - Sigaw ko

Pero nakatingin lang siya kay Envy

Dark PiecesWhere stories live. Discover now