Chapter 48

6.9K 199 2
                                    

~Chapter 48~

----Kyran POV----

"Ipadala kaagad ang mga mensahe sa lahat ng kaharian ng Emperyo" - utos ko habang nakaupo sa taas ng trono

Pumunta sa gitna si Gavin at saka iniabot sakanya ni Dion ang mga nakarolyong sulat


"Nasisigurado kong madadala ng mga hayop ang mga mensaheng ito sa maikling oras lamang sa mga kaharian" - sambit niya at saka bahagyang yumuko bago tumalikod kasama si Chase

May kakayahan siyang makausap ang mga hayop

Malaking tulong iyon upang mabilis na maipadala ang mga mensahe sa lahat ng kaharian para sa paghahanda at para na rin sa pagpakalat ng impormasyong babalik na si Luan sa emperyo

Maging ang bababalang kailangang mag ingat at maghanda sa darating na malakas na unos ng nyebe sa buong emperyo

"Aalis na rin ako upang paghandain ang aking kaharian" - Devon at saka sumunod na umalis

Napatigil siya sa paglalakad ng biglang bumukas ang pintuan at may malakas na hangin ang dumaan sa kanyang tagiliran

Napalingon siya sa likuran niya kung nasaan ang batang Gregory na nakatayo na sa ibaba ng trono

"Nahatid ko na ang mensahe sa Terra Nova"

"Pabalik na rin ako sa kaharian ko maliit na Gregory"

Lumingon ang batang Gregory kay Devon


"Matatagalan bago ka pa man makarating sa palasyo mo" - Khali

bumaling naman saakin si Devon

"Maari ko naman sigurong hiramin ang kakayahan ng iyong tapat na kanang kamay hindi ba?"

Tumingin ako kay Dion at saka siya binigyan ng isang tango bago siya naglakad papunta kay Devon at saka gumawa ng portal

"Psh. Kaya naman pala ni Dion. Bakit mo pa pinapunta ang bubwit na iyon sa kaharian ko para lang maghatid ng mensahe?" - Devon

"Gusto niyang may gawin siya. Binigay ko lamang ang gusto niya" - sagot ko

Umiling iling naman siya bago pumasok sa portal

"Wala ka na bang ibang ipapagawa?"

Tumingin ako sa batang bampira

"Wala na. Makakaalis kana"

"Pero! Gusto ko pang may gawin! Ang tagal ng larong lalaruin natin. Naiinip na ako!" - reklamo niya habang nakakrus ang dalawa niyang braso sa kanyang harapan

"Kung ganun, mabuti pang maglibot libot ka sa buong Parua. Alamin mo kung may mga alagad si Vladimir na nagmamanman sa paligid"


Bigla naman siyang ngumisi at wala pang isang segundo ay nawala na siya sa harapan ko at tanging ang pagbukas nalang ng pintuan ang nakita ko at ang mga kawal na naroon na gulat na gulat ang mga reaksyon

At mula sa nakabukas ng pintuan ay nakita kong nakatayo si Priam at Adreana

Bahagya siyang lumingon sa dumaan na si Khali bago lumingon saakin habang inaayos ni Adreana ang laylayan ng damit na nasa kanyang kanang kamay

Pagkatapos ayusin ni Adreana ang laylayan ng damit niya ay saka sila naglakad palapit sa ibaba ng trono

"Lilisan na ako papunta sa Halla Verona" - Priam

Dark PiecesWhere stories live. Discover now