Chapter 19

6.2K 207 16
                                    

Dedicated to:
TrinelynRugan5
MsRehtse
ENOREHUELA
user35663518
Xtinachryzthine
Tamonan143Judyann
MAHALKITACHU
babyjaliah
vipeviper07

~Chapter 19~

----Freya POV----

Ikatlong araw. Ikatlong araw na ng inilaan para sa pagpipili ngayong araw

At habang nagtatagal ay gusto ko ng umalis ng palasyo

Gusto ko ng takasan ang lahat ng ito

Pero naiisip ko ang mga bampirang kumupkop saakin dito sa mundong ito

Anh mga Dragomir

Naiisip ko rin ang mga nilalang na umaasa saakin

Malaking responsibilidad ang nasa aking mga kamay

At hindi ko magawang basta na lamang iyong bitawan

Kahit nasasakal na ako sa sistemang meron ang mundong ito

Isang pilit na ngiti ang isinalubong ko sa makisig na prinsipeng naglalakad na malapit sa aking kinauupuan

"Kamusta magandang dyosa ng asul na apoy?"

"Maayos naman ako prince Zephyr"

Umupo siya bago muling nagsalita

"Nagustuhan mo ba ang fura na ibinigay ko saiyo?"

Ahh! Ang maliit na maliksing nilalang

"Oo sobra kong nagustuhan"

"Dragon sana ang ibibigay ko saiyo pero ang sabi saakin ng aking kanang kamay ay baka hindi mo magustuhan"

Ngumiti lamang ako ng tipid sakanya

"Tungkol pala sa pagpipili. May nasa isip kana ba kung sino?"

Yumuko ako saglit bago muling tumingin sakanya

"Walang makapapalit sakanya prince Zephyr"

"Alam kong mahirap princess Freya"

"Pero alang alang sa tungkuling hawak ko ngayon. Gagawin ko kung ano ang tingin kong makabubuti"

"Nakakausap mo na ba ang Legendary Phoenix?"

Ang legendary phoenix

Mula ng muli kong binuhay si Luan ay hindi ko na siya muling nakausap pa tulad ng sinabi niya noon

Kaya mas naging mahirap saakin ang lahat

Nahihirapan na rin akong magpagaling

Naisip kong umalis sa katawan ko ang Phoenix

"Hindi ko pa siya nakakausap hanggang ngayon"

"Nitong mga nakaraang taon, pansin ko ang pag iba ng balanse ng mundong ito maging sa Light Empire"

Tama siya

Mula ng mawala si Luan maraming mga pangyayaring hindi natural na nangyayari noon

Tulad ng pagguho ng ilang kagubatan at bundok sa ibat ibang parte ng emperyo

Dark PiecesWhere stories live. Discover now