Chapter 42

6.3K 193 13
                                    

~Chapter 42~

----Freya POV----

Agad akong binati nila Miya at Zephyr pagkalapit ko sa hapagkainan

Ipinaghila naman ako ni Axel na umupo bago siya naupo sa tabi ko

"Kamusta pala ang naging usapan niyo nila Luke?" - Travis

"Mas lumalala ang mga patayan kasali na sa mga napapaslang ang mga hunter. Hindi makakuha ng tiempo si Luke para kausapin ang council" - Grey

"Mas maiging unahin mo na natin ang mga rebeldeng galang bampira at lobo" - Ali

"Tsk! Unahin natin ang pagkuha kay Luan at ng makabalik na tayo sa Dark Empire!" - Saxon

"Kailangan natin ng tulong ng mga hunter" - Axel

"Bakit pa?! May kapangayarihan tayo at sila ay wala. Kayang kaya nating suluhin ang pagbabalik kay Luan sa Parua"

"Sabagay bakit nga ba hindi?" - Zane

"Hindi tayo nakikilala ni Luan. Hindi ganoon kadaling maisama natin siya pabalik" - Travis

"Isa pa malaki ang magiging tulong ng mga hunter. Mas maalam sila sa mga nangyayari sa mundong ito" - Kevin

"Alam mo na ba kung nasaan nakatira sila Zairah?" - tanong ko kay Kyran

"Walang impormasyon na nakalagay sa address nila. Pinatignan ko na rin kay Dion ang Airves. At wala roon sila Zairah maging si Luan"

"Sinasabi ko na nga ba! Itinakas na ng babaeng iyon ang yelong iyon!" - Saxon

"Malabong mangyari iyon" - inilapag ni Master Yu ang hawak niyang tsaa

"Hawak ni Young Lord ang mga paliparan dito sa Pilipinas. Kahit ang mga malalaking barko ay pagmamay ari niya rin. Lahat ng sangay ng pamahalaan ay mayroon siyang impluwensya. Malabong makalusot sila ngayong kilala na natin sila"

Nagsitinginan ang lahat kay Kyran na tahimik lamang na umiinom ng kape niya

Oo at nakasama ko na noon pa man si Kyran dito sa mundo ng mga mortal

Pero ngayon ko lang nalaman na ganun pala kalawak ang saklaw niya dito mundo ng mga tao

At alam kong hindi pa iyon lahat ang pag mamay ari niya rito sa mundo ng mga mortal

Napalingon ako sa may pintuan ng pumasok si Xeon

"Magandang umaga Xeon" - bati ko

Nginitian niya lamang ako bago naupo

"Nasaan pala si Ariela?" - Miya

"Wala na siya" - Travis

"Nagpakamatay na ba?" - Saxon na sinamaan namin ng tingin

"Iniuwi na siya ni Xeon sa kanila kagabi" - Travis

"Ano?!" - Zane

"Alam kong gagawin niya iyon" - Ali habang hinihiwa ang karne na nasa kanyang plato

"Pag ibig nga naman" - Kai

Nilingon ko si Xeon na kumakagat lamang sa mansanas na hawak niya

Alam kong nahihirapan siya.. kahit hindi man siya umimik

Alam kong nasasaktan siya

Bihira ko na lamang siyang makitang nakangiti na dati rati ay palaging labas ang lahat ng ngipin niya kapag nakikita ko siya

Dark PiecesWhere stories live. Discover now