Chapter 21

7.3K 224 38
                                    

Dedicated to:
MsRehtse
Xtinachryzthine
ENOREHUELA
alcalarona3
cepemiejie
JulieAnnMagalona
hnniejdhf
gaille_01
CyrilDoktor
rabenica104
babyjaliah
ZdylSiugnab
aryljames94
giminam
MalikSuqui
AlkrishPija
zazazaAshh
user84440243
vipeviper07
taemon934

Note!!!

Please read the chapter WITHOUT killing the author in your mind 😅

Warning:

"Hold still"


~Chapter 21~

Nanatili akong nakatingin sa bampirang matagal ko ng ninais na makita. Pero hindi ko magawang igalaw ang aking katawan dahil sa takot na panaginip lamang ang nangyayaring ito at sa oras na gumalaw ako ay bigla siyang maglaho muli sa aking paningin

"Hindi mo ba ako lalapitan aking dyosa?"


Lalong bumuhos ang luha sa aking mga mata ng marinig ang kanyang boses at agad na tumakbo sakanya at saka siya niyakap ng mahigpit

"L-Luan" - humihikbi kong tawag sa kanyang pangalan

"Ako nga. Patawarin mo sana ako sa aking pag iwan saiyo noon"

Marahan niyang hinahaplos ang aking likuran

"L-Luan h-hindi ka patay"

"Buhay ako nagawa kong makaligtas"

Tumaas ang kanyang kamay sa aking balikat at saka inalis ang mga hibla ng buhok ko na tumatabing sa aking leeg

"Sadya nga talagang mabango ang iyong dugo at ikaw ay amoy ng mga rosas na nasa hardin"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya pero hindi ko na iyon pa pinansin ng maramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa aking balikat

"Maaari ba akong uminom? Freya?"

Agad naman akong tumango habang mahigpit pa rin siyang yakap

Naramdaman ko naman agad ang mainit niyang hininga paakyat saaking leeg

Hanggang sa bigla kong maalala ang sinabi niya

Bago niya pa man maibaon ang pangil niya sa aking leeg ay naitulak ko na siya palayo saakin

Nakita ko ang pagkainis sa kanyang mukha habang namumula ang kanyang mata at nakalabas pa rin ang kanyang pangil

Dark PiecesWhere stories live. Discover now