Chapter 9

7.1K 218 7
                                    

~Chapter 9~

----Freya POV----

Nasa loob kami ngayon ng isang malawak na kwarto

Naandito kami lahat maliban sa unang prinsipe ng Acheron si Declan at maging si Axel

Napatingi ako kay Priam, Saxon at Kyran na seryoso lang ang mukha at tahimik na parang nag iisip habang nakaupo

Simula kanina na nag usap usap sila ay ganyan na ang mukha nila

Napalingon ako sa pintuan ng bumukas iyon

Una noong iniluwa si Declan at sa likuran niya ay si Axel

Napaiwas agad ako sa kanya ng tingin ng makitang saakin pala siya nakatingin habang papasok

"Napag-usapan niyo na ba ng maayos?" - Priam

"Oo nakapag usap na kami" - Declan

Umusog naman pakaliwa si Declan at saka naglakad paunahan si Axel

Nasa harapan namin silang dalawa

"Papayag na akong tulungan kayong bumalik sa nakaraan"

Tumingin siya saakin pero agad rin siyang tumingin kay Priam

"Sa tatlong kondisyon"

Bigla namang napatayo si Saxon

"Akala ko ba ay ayos na kanina?! Bakit ngayon biglang nagkaroon ng kondisyon?!"

"Tumahimik ka diyan Saxon" - Malamig na sambit ni Yael

Tiim baga namang umupo ulit si Saxon

"Ano bang kondisyon ang gusto mo ikawalong prinsipe?" - Priam

"Tutulungan niyo akong hanapin at pabalikin dito sa Acheron ang aking kapatid"

"Fuck! Problema ba namin na naglayas siya at ngayon ay sasamahan ka pa namin sa paghahanap sakanya?" - biglang sabat ni Grey na nasa kanan ko

"Problema ko din ba kung umalis ang hari ng kadiliman at ngayon ay tutulungan ko kayong mahanap siya?" - balik na tanong ni Axel

Nakita ko naman kung paano gumalaw ang panga ni Grey at ang pagbabago ng kulay ng mata nito

Hinawakan ko ang kanyang braso

Kailangan niyang kumalma. Kapag nagbabago ang kulay ng kanyang mata ay ibig sabihin ay ang lobo niya ang gustong kumontrol sa katawan niya

Hindi nito nagustuhan ang pagbalik ng tanong ni Axel sa kanya

His wolf is an alpha king. Thats why respect is really a very big deal

Tumingin naman siya saakin

At saka unti unting naging kulay luntian na ulit ang kanyang mga mata

Tumingin na ulit ako sa harapan

At nagulat ako ng agad na nasalubong ng aking mata ang kanyang mga matang mariing nakatingin saakin

Napatingin ito sa kamay kong nakahawak pa rin kay Grey at kita ko kung paano naging dark brown ang tsokolate niyang mga mata

Agad kong inalis ang aking kamay sa braso ni Grey at saka lumingon sa gawi nila Astrid

"At ano pa ang dalawang kondisyon?" - Kyran

"Saka ko na hihilingin ang dalawa" - Axel

"What if we didn't follow your other 2 condition?" - Kevin

Dark PiecesWhere stories live. Discover now