Chapter 50

7K 191 9
                                    

~Chapter 50~

----Astrid POV----

Napatingin ako kay Kyran na nakahiga sa kama ng gumalaw siya. Agad kong ibinaba ang hawak kong tasa sa mesa at saka mabilis na naglakad palapit sakanya

"Kyran, kamusta na ang lagay mo?"

Agad kong hinawakan ang braso niya at napahinga ako ng maluwag ng makitang wala na siyang mga sugat

"Nasaan sila Freya?"

"Nasa baba ngayon sila Freya kasama sila Adreana. Sila Axel naman nagpapagaling na sa kanilang mga silid gayun din si Dion"

"Si Luan?"

"Ikinulong na namin siya sa kwartong nasa ibaba ng palasyo. Tulad ng plano mo pinalibutan namin ng mahika ang buong kwarto maging ang mga kadenang nakakabit sakanya"

Mariin siyang pumikit

"Ayos na ang lahat Kyran. Wag ka munang mag isip ng kung anu ano"

"Hindi pa nag uumpisa ang totoong laban Astrid"

"Pero nasa atin na si Luan. Kailangan na lamang nating maibalik ang kaniyang mga alaala. At hahanap ako ng solusyon doon"

"Kailangan na talagang bumalik ang mga alaala niya. Bago pa man mag umpisa ulit ng kilos si Vladimir"

"Nga pala. Saan ka pumunta kanina? Nag alala ako saiyo"

Tumingin siya saakin

"May pinuntahan lamang kami ni Dion"

"Maaari ko bang malaman kung saan?"

Hindi siya sumagot

"Naiintindihan ko. Wag mo na lang sagutin" - sambit ko at saka tumalikod

May itinatago ba siya saakin??







----Adreana POV----

Agad kaming tumayo ni Xeon ng makita namin na dumating na si Priam

"Priam"

Agad kong tinignan kung may mga sugat siya at nakitang wala naman siyang mga sugat

"Kamusta ang Halla?"

"Nagyelo ang buong Halla. Pero sila Lucas na ang bahala doon"

"Mabuti naman at ayos ka lang Priam" - Freya

"Masaya rin akong makitang maayos kayo"

Nilingon niya sila Kevin na nakaupo kasama ang ibang L'vierdon

Natunaw ni Freya ang yelo sa katawan nila gamit ang kanyang asul na kapangyarihan

Ang kanyang kapangyarihan ay kayang tunawin ang yelo ni Luan tulad ng ginawa niya noon ng buhayin niya ng unang beses si Luan

Napalingon kami sa may pasukan ng magsidatingan sila Yael at ang Salvatory kasama si Crayon

Mabilis na lumapit saakin si Crayon

"Adreana! Ayos ka lang ba? Binantayan ka ba nila? Kamusta ang baby natin?"

"Ayos lang ako. Kamusta ang Athanasia?"

"Maayos lang sa kaharian. Kila Zephyr ang malala ang lagay. Doon unang ibinagsak ni Luan ang galit niya. Kawawang orfeo" - sambit niya habang umiiling iling

"Ano? Kamusta sila Zephyr?" - Freya

"Wag kang mag alala Freya. Hindi naman gaanong malala. Masyado lamang naghahallucinate ang prinsipe ng mga tubig. Nalagyan siguro ng tubig ang ulo niyan" - Yael na nasa tabi ni Tamara

Dark PiecesWhere stories live. Discover now