Chapter 56

8K 222 21
                                    


Read the Author's note below...

~Chapter 56~

----Xeon POV----

Kunot kunot lang ang noo kong sinusundan ng tingin si Crayon na pabalik balik na naglalakad sa harapan namin habang nakatayo kami dito sa labas ng kwarto ni Adreana

Dinukot ko ang mansanas na nasa bulsa ko at saka iyon ibinato kay Crayon na saktong tumama sa likuran ng kanyang ulo

Agad naman siyang huminto sa paglalakad habang tumatawa tawa lang sila Klein na kasama namin dito sa labas

Nilingon niya ako na masamang nakatingin saakin

"Why did you hit me with your apple, apple prince?!"

"Ehh sa nakakahilo kang tignan. Pabalik balik ka sa paglalakad"

Agad naman akong tinapik ni Ariela na nasa tabi ko

"Intindihin mo na lang siya. Manganganak na si Adreana kaya yan ganyan"

Agad naman akong napakagat labi at biglang bumalik ang kaba na naramdaman ko kanina

Maging sila Travis, Rosh at Priam ay nakatingin lang silang pareho sa sahig habang katabi nila sila Bliss at Gretel

Nasa labas kami habang nasa loob ng kwarto sila Freya kasama si Zane, Miya at Eliza kasama ang babaylan na nagpapaanak kay Adreana

Wala naman dito si Kyran at Astrid, pati sila Tamara at Yael

Ayaw daw nilang ipakita kila Tamara at Astrid kung paano manganak si Adreana at baka magkaanak ung dalawang iyon ng wala sa oras

Hmm ako kaya? Kailan kaya din ako magiging ama?

Nilingon ko si Ariela. Hindi ko pa nga siya nagagawang bampira. Matapos lang ang laro ni Vladimir ay gagawin ko na rin siyang bampira. At bubuo na rin kami ng isa pang bampira na mahilig din sa mansanas! Haha

Nilingon ako bigla ni Ariela

"Anong nginingiti ngiti mo jan ha?!"

"Kaw naman para nangiti lang"

"Crayon pwede bang wag kang maggagagalaw?! Nahihilo ako!" - reklamo ni Luan

"Hindi ako mapakali"

"Daig mo pa ang manganganak" - Zephyr

"Bakit ba kasi narito ka? Puntahan mo na nga lang si Alora!" - Crayon

"Di pwede. Alam mo naman ng gusto ni Luan na narito tayong lahat. Tatlong araw na lang ay mag uumpisa na"

Oo nga pala. Isa pa yang laro na iyan ni Vladimir. Bakit ba kasi buhay pa ang isang un?!

"Crayon!!!!!!!" - rinig namin na sigaw ni Adreana sa loob

Kanina lang ere lang un naririnig namin ngayon pangalan na ni Crayon

Agad na nilapitan nila Travis at Rosh si Crayon at saka ito itinulak papasok sa kwarto

Langya kasing prinsipe ng tubig. Mas kinakabahan pa kaysa kay Adreana

Matapos ang ilang minuto ay bumukas ang pinto

Si Luan kaagad ang unang lumapit doon. Eh siya ang nasa tabi ng pinto ehh

Miss na miss na niyan si Freya kanina pa. Kala mo naman isang taong di nagkita. Ehh ilang minuto nga lang

"Are you okay baby?" - tanong niya kay Freya

pfft muntik pa akong matawa

Tama bang si Freya tanungin niya nun? Si Freya ba nanganak??

Dark PiecesWhere stories live. Discover now