Chapter 44

6.3K 190 23
                                    

~Chapter 44~

----Ariela POV----

Inunat unat ko ang kaliwa kong kamay habang naglalakad

"Aist! Nakakapagod"

Nanibago kaagad ako sa trabaho ng mga ilang araw lang akong hindi nakapasok dahil sa pagkawala ko

Napatigil ako sa paglalakad ng makarinig ako ng mga yapak sa likuran ko

Lumingon ako sa likuran pero wala akong nakitang tao

Nasa may eskinita ako na daan papunta sa apartment na tinutuluyan ko at 10 pm na rin ng gabi

Overtime sa trabaho dahil sa mga trabahong naiwan ko sa kompanya ng kunin ako ng halimaw na un


Tatalikod na sana ako para magpatuloy sa paglalakad ng makakita ako ng tatlong pares ng mga namumulang mga mata

Agad akong tumakbo at dinig na dinig ang tunog ng suot kong heels sa daan

Mabilis akong pumasok sa apartment na tinutuluyan ko at pagkadating ko sa kwarto ko ay kaagad kong nilock ang pinto

Pero nagtaka ako ng makaramdam ako ng hangin sa likuran ko at pagtingin ko ay nakabukas ang bintana

Hindi ko iniiwanan bukas ang bintana ng kwarto ko pag umaalis ako. Kaya paanong....

"You smells like him"

Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang magsalita

"Sino ka?!"

Agad kong nilibot ang medyo may kadiliman kong kwarto dahil hindi ko pa nabubuksan ang ilaw

Napaatras ako ng unti unti kong makita ang mapupulang mata mula sa madilim na sulok ng kwarto ko

"S-sino ka?"

"So you're his mate"

Isang lalaking mayroong light brown na buhok

"Ako si Ajax"

"Ajax? Anong kailangan mo sakin?"

"Oras lang naman ang kailangan ko sayo" - sambit niya at saka kumislap ang pula niyang mga mata

Agad akong tumalikod para tumakbo ng mabangga ako sa isa pang tao

Napatingin ako sakanya at laking gulat ko ng makita ko siya sa harapan ko

Muli akong humarap sa likuran kong nasaan siya nakatayo at mas nagulat ako ng makita ko siyang nakatayo pa rin sa pwesto niya

Kambal ba sila? Bakit dalawa sila?

"Kailangan mong sumama sakin"

Hindi na ako nakasagot pa ng bigla niya akong hawakan at kaagad akong nawalan ng malay ng biglang may dumaloy doon na kuryente papunta sa katawan ko







----Xeon POV----

Huminto kami sa isang madilim na lugar nila Travis kung saan napag usapan naming magkikita kita pagkatapos ng paghahanap

Dark PiecesWhere stories live. Discover now