Chapter 46

6.3K 212 22
                                    

~Chapter 46~

----Freya POV----

Inilibot ko ang tingin ko sa madilim na paligid at pinilit na aninagin kung nasaan akong lugar

Ang alam ko lang ay nanaginip ako ngayon

Napalingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang isang napakapamilyar na boses


"Who are you?"


Tinitigan ko ang kanyang mga matang mas lumamig pang tignan kaysa noon

"Luan"

"Luan? Hindi iyon ang aking pangalan"


"Iyon ang pangalan mo"


"Sino ba ang Luan na yan? Magkamukha ba kami?"


"Hindi lang kayo magkamukha. Dahil ikaw ay siya mismo"


Sinubukan kong lumapit pero napatingin ako sa aking paa na ngayon ay nababalot na sa yelo na nakapagpako sa aking mga paa sa semento


"Isa ba kayo sa mga may balak na paghiwalayin kami?"


Napataas ako ng tingin sakanya


"Paghiwalayin kayo?"


"Mga bampirang nais kaming paghiwalayin. Mga kalabang bampira"


Naalala ko.. ang mga alaala niya pala saakin ay napapunta na kay Zairah


"Niloloko ka lang niya. Hindi siya ang mahal mo Luan!"


Pumula ang kanyang mga mata at tumaas hanggang tuhod ang yelong nasa paa ko

"Sa bawat salitang bibitawan mong hindi ko magustuhan ay mas mapapadaling maging isa ka na lamang rebultong yelo"


Inalis niya ang kamay niyang nasa loob ng kanyang bulsa


"Alam mo bang kahit panaginip ito ay maaari ko pa rin ikaw patayin dito mismo?"


"Alam ko. Dahil may kakayahan kang manipulahin at bumisita sa mga panaginip. Namana mo iyon sa iyong amang si Magnus"


Kumunot ang kanyang noo


"Magnus?"


Pati ba alaala niya sa kanyang pamilya ay binura ng babaeng iyo?!

Napatingin siya bigla sa dibdib ko na ngayon ay bahagyang lumiliwanag

At napatingin din ako sa bandang dibdib niyang natatakpan ng kasuotan na nagliliwanag din

Parehong liwanag

Kulay asul na liwanag

Tumingin siya sa dibdib niya bago muling ibinaling ang tingin saakin

"Sino ka ba talaga?"


"Ako to Luan, Si Freya. Ang babaeng tunay mong mahal"

Nakita kong gumalaw ang kanyang panga

"Sinungaling! Si Zairah lamang ang kaisa isang babaeng minahal ko!"

Pagkasabi niya noon ay unti unti ng gumuho ang paligid

Hanggang sa mapabangon na ako mula sa aking pagkakahiga

Itinaas ko ang aking kamay sa aking pisngi ng marandaman kong basa ang parteng iyon

Dark PiecesWhere stories live. Discover now