Chapter 47

6.6K 188 26
                                    

~Chapter 47~

----Luke POV----

"Isa kang taksil!" - Isabel

"Paanong naging taksil ako kung hindi na ako kaanib ng samahan?"

Itinaas nila ang hawak nilang mga armas at itinutok saamin

Pero biglang itinaas ni Steve ang kanyang kamay

"Ibaba niyo iyan. Hindi sila mga bampira o lobo"

"Pero! Kalaban na sila!" - Marco

Tumingin saakin si Steve

"Hindi ko hahayaang magkaharap kami bilang Magkalaban"

Nagkatitigan lang kami

"Alam kong may rason ka kung bakit mo ito ginagawa Luke" - sambit niya

"Gumawa kayo ng formula na labag sa patakaran ng organisasyon" - Sagot ni Clarissa sakanya

"Inilihim niyo ang paggawa ng ganyang mga armas sa ilang konseho, Steve" - sambit ko

"Balang araw ay maiintindihan mo rin kung bakit kami gumawa ng ganitong armas"

Tumalikod na siya saamin at nag umpisang maglakad pero nagsalita pa siya

"Di magtatagal ay darating na ang araw na sasakupin na nila tayong mga mortal"








----Zairah POV----

Mabilis kong pinapaandar ang kotse habang nasa likuran na upuan si Freon na nakayuko

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tumawag sa mansyon

"Hello young mistress?"

"Ihanda mo ang mga gamit namin. Sabihin mo kay Kier na aalis kami ngayon din!"

"Masusunod Young Mistress"

Pagkababa ko ng cellphone ko ay bigla na lang huminto ang sasakyan

Napatingin ako sa orasan na nasa may taas ng dashboard at nagtaka ako ng hindi iyon gumagalaw

Agad akong tumingin sa labas na kanina ay mahangin pero ngayon hindi na gumagalaw ang mga dahon ng mga puno

Hindi kaya

Tumigil ang oras?

"Naandito sila" - biglang sambit ni Freon

Napatingin ako sa harapan ng kotse

Kung saan ay doon lang ang maliwanag dahil sa ilaw na nagmumula sa kotse

at nanlaki ang mata ko ng makita ang bampirang nakatayo habang nasa bulsa ang isang kamay

Unti unti niyang itinaas ang kanyang mukha at diretsong tumingin saakin

"Axel"

Hindi ito maaari!

Pinilit kong paandarin ulit ang makina pero hindi gumagana

Wala na akong ibang paraan

Mabilis kong kinuha ang maliit na punyal na palaging nasa loob ng kotse ko at saka iyon inilagay sa tagiliran ko at saka lumabas

"Anong kailangan mo?"

"Bakit mo naisipang gawin ang bagay na iyon?"

"Parehong rason kung bakit mo ipinaalis saakin ang mga alaala ni Freya saiyo" - sagot ko

Dark PiecesWhere stories live. Discover now