Chapter 59

7.4K 231 5
                                    

~Chapter 59~

----Freya POV----

"Freya"

Ibinaba ko ang nakatakip na braso sa aking mukha at nakita ko ang asul na apoy sa aking harapan may kalayuan saakin

Nakalutang ito sa hangin at bigla itong naging isang phoenix na may ibat ibang makukulay na kulay ng balahibo ng pakpak na ikinakampay kampay niya at ang kulay ginto niyang buntot


"Kamusta ang prinsesa ng asul na apoy?"


Tulad ng dati boses ng babae ang naririnig ko kahit hindi bumubuka ang kanyang bibig


"P-phoenix"


"Alam mo naman na siguro kung bakit na ako nagbalik?"


Napahakbang ako ng isang hakbang paatras



"H-hindi ko maaaring tuparin ang ating kasunduan noon"


"Alam mong hindi iyon maaari Freya. Ang kasunduan ay kasunduan

Napayakap ako sa aking tiyan


"Hindi! Kung kailangan kong kalabanin ka ay gagawin ko! Para sa anak namin ni Luan! Hinding hindi ko pahihintulutan na may manakit sakanya sa aking sinapupunan kahit pa man ikaw Phoenix!" - buong loob na sigaw ko


Lumipad ito palapit saakin at umatras ako

Nagulat ako ng bigla siyang mag iba ulit ng anyo habang lumilipad

Napatigil ako sa aking pag atras ng makita ko kung ano ang kanyang anyo ngayon

Ang naglalakad palapit saakin ngayon, ang Phoenix. Ay isang magandang babae na may maladyosang mukha

Pero... pero ang mas ikinagulat ko ay...

Magkamukha kaming dalawa!!

Nakatulala lamang ako sakanya hanggang sa makalapit siya saakin

Napatingin siya saakin tiyan at ng itaas niya ang kanyang kamay ay agaf akong umtras pero lumapat na ang aking likuran sa hangganan na harang ng board

Inilapat niya ang kanyang kamay sa aking tiyan

Kita ko ang pagputi ng asul niyang mga mata at ilang saglit lang ay inalis niya na ang kanyang kamay sa aking tiyan at saka ngumiti

Magkahawig talaga kami! Mula sa kulay ng mga mata na kapareho ko. Ang pagkatuwid ng itim naming buhok. Ang hugis ng mukha

Ang pagkakaiba lamang ay parang mas maganda siya kaysa saakin. At ang kulay ng aking mata ay Sapphire blue eyes. Ang sakanya ay midnight blue eyes

Pero teka. Nakita ko na siya dati... Hindi ko lang matandaam kung saan. Hindi sa salamin. Ang kanyang mukha. Parang nakita ko na sa kung saan


"Phoenix, nagmamakaawa ako. Hindi ko maaaring ibigay ang buhay ko saiyo. Dahil may buhay sa loob ng aking sinapupunan" - pagmamakaawa ko sakanya


Nanatili siyang nakatingin sa aking tiyan bago siya tumingin saakin


"Busilak ang iyong kalooban Freya. Sa mga panahong wala ako saiyong katawan. Ay palagi kitang pinanunuod sa bawat mong galaw. Hindi mo ako binigo Freya. Taglay mo ang katangian ng isang tunay na dyosa. Inialay mo ang sarili mong buhay kapalit ng buhay ng iyong minamahal. Ipinaglaban mo ang lalaking tunay na isinisigaw ng iyong puso hanggang sa kahulihulihan. At dahil doon lubos mo akong napahanga prinsesa ng asul na apoy"


Nabigla ako sa mga sinabi niya at hindi ko nagawang makasagot


"Bilang gantimpala. Ang kasunduang ginawa natin ng araw na iyon ay pinapawalang bisa ko na"

Dark PiecesWhere stories live. Discover now