Chapter 55

7.7K 212 6
                                    

~Chapter 55~


----Ashton POV----

"Kamusta ang lahat?" Priam

"Walang nasaktan. Maliban sa babaeng half blood" - Travis na katabi si Gretel

"Tss mabuti na iyong namatay ang babaeng yun. Kalaban na ang gumawa ng bagay na dapat ay ginawa ni Luan noon pa man" - Adreana

"Adreana, iniligtas niya si Luan. Hindi ganun kasama si Zairah" - Freya

Kung nagawa niyang iligtas si Luan at ialay ang sarili niyang buhay

Masasabi ko rin na hindi ganun kasama ang half blood na iyon

Nilingon ko si Keena na nasa kabilang upuan at agad siyang nag iwas ng tingin

Mabuti naman at hindi siya nasaktan. Mabuti at walang gaanong nasaktan saamin

Hanggang ngayon ay napapa isip pa rin ako tungkol sa warlock na nakaharap namin kanina

Matiim niya akong tinitigan na tila kilala niya ako

Sino ba ang warlock na iyon?

"Bakit ba sila lumusob dito?" - Yael

Napatingin ako sa markang nasa ibabaw ng kanang kamay ko

marahil ito ang dahilan

Gusto nilang sabihin na malapit na ang laro

Nagsilingunan kami sa naglalakad na sila Kyran, Dion at Khali

Naupo si Kyran sa single sofa na nasa malapit kila Luan habang nasa arm rest ng upuan niya si Khali at nakatayo lang si Dion sa likuran ng upuan niya

"Kailangan mo tong makita" - sambit ni Kyran kay Luan at saka ibinigay kay Luan ang isang itim na card

Binasa iyon ng tahimik ni Luan at saka siya umismid

"Ano ang nakasulat sa card?" - Grey

"Limang araw mula ngayon, magsisimula na ang laro ni Vladimir" - sagot ni Khali

Limang araw??

May konting oras na lamang kami

"Saan?" - tanong naman ni Ali

"Orbis Tertius" - Kyran

Bigla kaming napalingon sa gawi niya

"Orbis tertius?!" - gulat na tanong ko

Alam ko ang lugar na iyon. At sigurado rin akong alam din nila kung ano ang lugar na iyon

"Orbis tertius? Ngayon ko lamang narinig ang lugar na iyon. Ano bang kaharian ang nasasakupan iyon?" - tanong ni Freya

"Walang kaharian ang may sakop sa lugar na iyon, Freya" - sagot ni Tamara

"Dahil ang lugar na iyon ay isa sa mga isinumpang lugar katulad ng Althalos" - dagdag ni Luan

"Nasa may dulo na iyon ng Thespia. Sa hangganan ng emperyo" - Blair

Hindi na gaanong nakakapagtaka kung bakit iyon ang lugar na napili niya

Isa iyon sa mga lugar na nasa ilalim ng dark curse

At malakas doon ang itim niyang kapangyarihan




----Grey POV----

Natigil kami sa pag uusap nila Luan ng biglang bumukas ang pintuan kung nasaan kami at iniluwa doon ang baliw na si Saxon

Dark PiecesWhere stories live. Discover now