14

652 48 6
                                        

5:01 pm

meca lim

perky baby sharkkk

perkyyyy babyyy sharrrkk

√ seen

translation; seenisinta kita meca

perky byun

eh seenabunutan kita diyan?

what do u want from me?

meca lim

ur bergenity

perky byun

the hell!!!

meca lim

charot lang naman ito naman hehehe

nagsusuggest lang

tapos na klase niyo??? sabay tayo uwiiii

perky byun is typing...

perky byun

napaka dugyot na suhestiyon ugh

umuwi ka mag isa mo, heh!

meca lim

sige na perks

don't u miss your kababata

perky byun

nasa bahay na ako maaga dismissal ko

meca lim

konting care naman diyan |

kont|

ganun ba? akala ko pa naman makakasabay kita kasi always boy scout ka pasukob sana sa payong naulan eh

SILA CHERRY KASI MGA TALIPANDAS!!

pero hehehee OK SIGE!!! PAHINGA KA NA!!! LABYU PERKY BABY SHARK DUTDURURUT.


perky byun was active 45 minutes ago..

**

deadbat! deadbat na ang battery ko kakahintay sa message ni perky. sana man lang makonsensya siya at maisipang sunduin ako dito sa waiting shed ng school. hanoba namang buhay ito! kamalas! buhos pa ulan, akala mo nakakatuwa ka.

bakit kasi ngayon ko pa naisipang iwan yung payong na iniligay ni nana sa shoulder bag kong stripes stripes na parang bayong. naku, kurot sa pisngi ng pwet ang abot ko nito.

bakit rin kasi nag inarte ako kila cherry na 'di ako sasabay sa kanila kasi umaasa ako na makakasabay ko si perky ngayon dahil wala silang practice.

"buhos ng ulan, feelings ko kay perky lunuring tuluyan~" mahinang kanta ko. nakakasawa rin kayang umasa, pero sana this time huwag ako biguin ni perky. kahit papaano may pinagsamahan kami, katukayo ko kaya siya noong mga bata kami.

dumaan ang isang oras at dalawang oras, namunga na ako dahil sa ugat na tumubo sa paanan ko wala parin siya. lalong lumakas ang ulan.

bahala na.

sakto namang may patawid na lalaki at may hawak na payong. nagulat siya ng tumakbo ako at hinatak ko kamay niya para makasilong sa payong niya at tumakbo para makatawid ng tuluyan.

basa na ang ibang bahagi ko kaya napahinto ako. patay na ako nito kay nana.

sinuri din ng lalaking naka hood ang buo kong pagkatao at napachuckle.

"baduy" komento nito. kahit pa ba aminado ako do'n di ko maiwasang taasan siya ng kilay.

"budoy." sabi ko at belat dito nakita kong umirap siya kahit pa hindi ko masiyadong maaninag ang mukha nito. lumakad ako kaya agad akong nabasa kaya mabilis akong tumakbo para mahabol siya.

"susmaryosep santisima, hintay naman." sabi ko napakalaki naman ng hakbang ng lalaking 'to. hindi siya umimik at umangal kahit pa ba may isang katawa tawang estranghero na nakisukob sa payong niya.

pero putragis! halos half lang ng katawan ko ang napapayungan tas yung kalahati nababasa. bago makarating ng bus station, hinatak ko yung payong 'tas pinayungan ko ang sarili ko kaso inagaw din sa akin talipandas. agawan payong lang ang ganap namin kahit walang imikan papuntang bus station. ang lamig!

"ano ba nababasa sabi ako eh!" sabi ko sabay hatak sa kamay niyang hawak ang payong at pinayong ko sa sarili ko ng maayos.

"payong ko 'to." bagot na sabi nito.

ganon! ganon! ganon ang eksena naming dalawa ng maabutan namin si perky na nakatayo sa waiting shed ng bus station, at titig na titig sa amin. bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kamay ng estranghero, para akong napaso at napabitaw.

"p-perky!" sabi ko at takbo sa kaniya. "u-uy?" tanong ko. hindi niya ako pinansin at kinuha ang payong sa gilid nito, nakita 'kong dalawa ito.

pinuntahan kaya ako ni perky? sinundo niya ako? teka, kalma meca ayan ka na naman eh.

dumating na yung bus kaya umayos na ng tayo si perky at humarap sa akin.

"sakay." ani nito sa malamig na boses. galit ba siya? ano ginawa ko?

"p-pero.. a-ano sandali.." lumingon muna ako sa lalaking papaalis na nakatalikod ito at medyo malayo na sa lugar namin.

"salamat!" sigaw ko. mukhang narinig naman nito kasi tinaas niya yung kamay niya at nagbye kahit nakatalikod.

"huwag mong hintayin na hilahin kita pasakay." banta ni perky kaya dali dali akong sumakay, nakasunod lang ako sa kaniya hanggang sa makaupo.b

"g-galit ka ba?" tanong ko. still no reply.

"p-perky! huy?" tanong ko. pero di niya parin ako sinagot. "b-bakit ka pala nandito ano oras na? sinundo mo ba–" nagulat ako at napahinto.

"of course not! why would I? sino ka ba?" sabi nito hindi ko mabasa ang emosyon na ipinapakita niya.

napahinto ako. sino ba ako? napangiti ako ng mapakla.

"hehehe oo nga, sino ba ako?" sabi ko ng may pekeng ngiti.

sino ka nga ba kasi meca para mag-assume na sinundo ka ni perky? sino ka nga ba kasi meca para tanungin kung bakit siya nandito? sino ka nga ba kasi meca?

sino ako? ako lang naman ang tanga na baduy pa na may gusto sa taong mas malayo pa sa bituin. imposibleng maabot.

"sorry.." bulong ko.


'wag ako | on-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon