37

557 33 4
                                    

tropang potchi • active now


ezra kim

hoy @cherry at @meca

asan kayo?

seen by cherry, airy


airy park

onga gosh, where u at ba? it's so init, and i'm hungry na

cherry kang

potcha ka-konyo

nag-aapply ng trabaho sa la café

airy park

what? why? ur dukha na?

ezra kim

ay engot naman! ngayon niyo pa naisipan magkaron ng silbi

ano bang naisipan niyo?

cherry kang

grabe ka naman kay meca, ez

ewan ko ba dito kasi sa tropa niyo

nag-apply ata bilang karpintero

nagtatayo ng bakod

ezra kim

ano? gaga di kita gets

fly kami diyan, pigilan mo si meca naku talaga!

••

Point of View: Meca

"hoy babae! sigurado ka bang mag-apply ka ng trabaho dito?" hindi ko nilingon ang kanina pang reklamo ng reklamong prutas at patuloy na pini-fill up-an ang application form sa la café.

"no offense lang mare, pero bakit parang napakabilis naman yata? nagpaalam ka ba kay nana mo? nalulugi na ba kayo?" patuloy na kulit nito sa akin.

"ano ba cherry! kumain ka na lang diyan! kailangan ko itong gawin para iligtas ang love life ko." napa-aray naman ako ng sabunutan niya ako. sinamaan ko siya ng tingin.

"echos kala mo naman kayo at kala mo may love life ka! meca, umayos ka nga! huwag ka magpadalos dalos! kung bakuran mo si perky parang inangkin mo na at saka sino bang lalaki na naman ang kasama ng baklang iyon at parang tulirong tuliro ka diyan at naisipan mo pang magpart time job dito. di ko gets, anong connect?" pakamot kamot pa nitong sabi. hinarap ko siya at seryosong tiningnan, takang tingin naman ang binigay niya sa akin.

"he's with a girl." seryoso kong sabi na nagpahinto sa kaniya. kumunot ang noo nito.

"lagi naman siyang may kasamang babae so what's new?" frustrated akong napabuntong hininga.

"it's not simply a girl. iba ang kutob ko cherry. ibang- iba." sabi ko.

"bakit? sino ba? perky is a gay, malabong magkagusto iyon sa babae and so what if he's with a girl? it's not like he'll date a girl. at bakit ba dito mo naisipan mag-part time?" sandali akong natigilan sa sinabi ni cherry at tumitig sa kawalan.

oo nga naman. hindi si perky yung tipo ng taong magkakagusto sa babae. tama... pero... sana nga mali ang kutob ko. i sighed.

"I saw perky here with that girl." pagsisimula ko napatigil siya sa pagtipa ng cellphone at tumingin sa akin.

"imposible. nasa probinsiya si perky hindi ba?" tanong nito. nginisian ko siya that's what I thought too.

"before i run here, narinig ko kay yvone na nakita niya si perky kasama ang isang tomboy dito sa park malapit sa la café kahapon at kanina. naghinala ako kasi why he's with a tomboy eh allergic iyon sa bad fashion taste. why he didn't go to school when he's already here kahapon pa pala? natakot ako at nag-alala because it's so not him..." napayuko ako nang maalala ang eksenang nadatnan ko kanina at hindi nadatnan ni cherry na sumunod pala sa akin.

"...turns out it was ate firm. yung girlfriend ng pinsan niya. i was relieved." sabi ko pero lalong naging malungkot ang tono ng boses ko. ganito ba talaga kapag nagmamahal ka? bakit hindi itinuro sa akin ni nana na ganito pala kasakit edi sana nakaiwas ako... sana nakaahon ako bago ako malunod ng sobra sobra.

"eh ayun naman pala eh. you don't have to worry. si ate firm lang pala. pinagseselosan mo? eh mahal na mahal no'n si kuya chaos." i sighed at ginulo ang buhok. she won't understand, really.

"she's not that girl i am talking about, definitely not her." I whispered. but unfortunately narinig ni cherry.

"then who?" tanong nito. bumukas ang pinto at iniluwa nito ang taong... babaeng... sana hindi nalang bumalik.

pinagmasdan ko siya. she's wearing the maid-like uniform ng la café. umaalon ang buhok, maamo ang bilugang mata, mamula mula ang pisngi at labi, fair skin, although she's wearing the uniform like how everyone else's wore it pero siya ang pinaka nag-stand out, she wore it fashionably. bumaba ang tingin ko sa maganda niyang ngiti patungo sa kamay niyang may hawak na bulaklak.

baby breath flowers.

perky's favorite among other types of flowers.

"her." napalunok ako. naguluhan si cherry at napansin ko na papadating na si ezra at airy. sinundan ng tingin ni cherry kung saan nakapako ang tingin ko. sandali siyang natahimik.

"are you kidding me? hindi naman mukhang tomboy iyan. she's like a beauty personified." indeed. "...and she works here?" dagdag na tanong nito.

I was relieved when I saw it was ate firm... but I got scared when I saw the one besides her. yup, hindi lang si ate firm ang kasama niya, he's with this girl. smiling to each other. having their own little world.

and it's really scared me kasi... kasi it's the first time i saw this side of perzikiel. para siyang isang taong... sabik makita ang taong nasa harapan. sobrang saya niya. nila.

bakla siya, meca ano ba! kahit paulit-ulit kong isaksak sa isipan ko ang mga katagang iyan, natatakot ako. kasi nakikita ko sa mga mata niya na parang... parang handa siyang magpaka lalaki para sa kaniya...

tell me perky, is she that certain person? kasi kung oo, I am ready to stop the chase and let go. please tell me i'm wrong.

bae primma, the real best friend returns, why do you have to return?

••
oh yeah! bae primma on the house yo!
do you know her? not yet? if so read, firm epistolary.

'wag ako | on-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon