62

436 28 1
                                        

Point of View: Meca

tulala lamang akong nakatingin sa kisame. buong araw kong piniling magkulong nalang sa loob ng isang kwarto sa resort nila airy. mukha ngang ubos na ang luha ko pati ang lakas dahil wala akong ginawa kundi ang umiyak.

buti na lamang talaga at hindi naisipan ni airy na kunin ang duplicate key. ayoko munang humarap sa kanila lalo na sa kaniya kasi hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. hindi ko alam kung paano sila haharapin dahil tiyak, magtatanong at magtatanong ang mga iyon.

hindi ko maiwasang maluha nalang ng paulit-ulit tuwing naaalala ko ang nangyari kagabi. hindi ko nga maramdaman ang hang-over, mas lamang pa rin ang sakit na tila pinupunit ang aking dibdib.

biglang tumunog ang cellphone ko at nakita ang mga message ni arcane. tahimik akong humikbi dahil kahit sa kahuli-huliang sandali bago ako lumubog sa tubig, pangalan ni perky ang namutawi sa bibig ko. mukha ni perky ang nais kong makita. bakit ganoon? hindi ba pwedeng turuan na lamang ang puso kung sino ang dapat mahalin? para madali na ang lahat, para wala ng luha ang nasasayang.

for the last time, i called his name but then again i was too dumb to realized it now that it would be too impossible for him to hear my voice, because he only listen to that one voice out of that crowd. he never listen to anything else. and i am that anything else.

hindi ko na maalala kung paano pa ako nakarating dito. nanginginig ako at tulala lamang. aware akong ilang beses akong kinausap ni arcane, pinagalitan at sinigawan but i didn't managed to even say a single word. what happened last night triggered my traumatic experience and i'm afraid that this will take a long time for me to overcome.

he promise that he won't tell to anyone maybe because he knew na ayoko na may makaalam. and i will be forever thankful kay arcane. why can't i just be in love with arcane? para hindi ganito kasakit.

but i don't think i would fall hard into any other man like i am to perky, sad but true. si perky lang mula noon hanggang ngayon.

bumangon ako at tumambay sa veranda. tumingala ako at halos maggagabi na. kita ko ang nagkikinangang bituin. i smiled as i remember my late parents, i know they are watching me.

pa, ma, how are you there? ako, ayos lang. magiging ayos lang. papa, mama, kung malakas kayo kay papa god pwede po bang pikutin niyo siya tapos i-brainwash niyo na dapat kami pa rin ang end game ni perky, charot! joke lang, po... ma, pa, i miss you.

minsan iniisip ko kung sana hindi kami lumipat papunta dito sa manila. buhay pa siguro sila mama at papa, masaya parin kami siguro sa simpleng buhay namin sa zambales at siguro, malaki ang tiyansa namin ni perky pero sadiyang mapaglaro ang tadhana. nakakabadtrip na!

i sighed. napatingin ako sa bandang gitna ng resort na may musika at sumasayaw na ilaw. doon siguro ginanap ang party. i felt bad for not showing up pero baka lalo lang ako makagulo.

dahil walang tao ngayon sa hotel na pinag-stay-an namin ay napagpasiyahan ko na lang na mag-ikot-ikot. hindi ko alam. maybe, to get some fresh air. to feel alive again.

kahit natatakot ay tinanggal ko ang sandals ko at naglakad lakad, malaki ang resort kaya malabong makikita ko ang mga iyon at saka sa opposite side ako dumaan hindi sa may ginanapan ng party.

nilanghap ko ang sariwang hangin. hinayaan kong dalhin ako ng aking paa sa kung saan man.

umupo ako sa ilalim ng puno ng niyog, malayo sa dagat. kita ko ang mga batang nagtatakbuhan, tila walang problema sa buhay. i want to go back, back to that times na masaya lang ako, kami. i closed my eyes as i start to reminisce my childhood, pero lalo lang sumakit ang puso ko.

'wag ako | on-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon