57

383 34 9
                                    

Point of View: Meca

nakatulala lang ako sa isang tabi. gusto kong maiyak pero pinigilan ko. nangingilid ang mga luha ko. ang ingay ingay sa paligid ko pero tila wala akong naririnig. they were all laughing nonstop. nakasuot sila ng mga nagkikinangan at naggagandahang damit, maganda rin ang pagkakaayos ng venue. may bandang tumutugtog sa harapan and i knew this is gonna be our last night together. ang sasarap ng pagkain but i didn't bother. this night is magical, indeed pero wala akong gana. why was I all alone? nakaupo lamang ako sa isang sulok at pinipigilan ang sarili kong ngumawa. hindi ko na rin pinansin ang mga tingin nila sa akin. sila ba si perky ha? tss. they are looking at me, weirdly. pero wala akong pakiealam dahil pinaghandaan ko ang gabing ito.

and as always binabatikos na naman nila ang suot ko and no, i don't care. I am wearing a pilipiña dress my grandma personally picked. si tita, yung mama ni kuya ace ang personally na nagtahi. tita is a fashion designer nasa paris siya. she, kuya ace and perky are the only people who knew about my secret passion. i idolized tita celly siya ang rason kung bakit nagustohan ko rin ang pagpa-fashion design. she was the one who encouraged me to study in paris, nagpasa ako ng portfolio sa isang exclusive art school doon pero wala parin akong natatanggap na letter at feeling ko hindi ako nakapasa.

napabuntong hininga ako as i scanned the crowd. gusto kong umiyak. hindi ako pinapansin nila ezra and i couldn't find perky. sobrang loner ko.

why does perzikiel byun ditched me. bakit ang galing galing ng baklang iyong saktan ako? gagang iyon hindi na nga niya alam na birthday ko ngayon tapos wala man lang cooperation sa in relationship status sa facebook. nakakainis na yung baklang iyon. nakakainis ka din meca bakit kasi ang harot din ng puso mo. hindi ka pa ba manhid?

i literally glared to all of these couples dancing in front of me. magiging bakla rin yang boyfriend niyo. nang aasar din itong banda eh bakit sweet songs agad.

tiningnan ko ang nasa kabilang table. it was ezra, cherry and airy. they were laughing. itong mga bruhang ito hindi ako pinapansin. may ginawa ba ako?

"hoy." literal na napatalon ako sa tumawag sa akin. noong nilingon ko napaiwas na lamang ako ng tingin. oy! good lord. bakit naman pinasulpot niyo itong malignong ito? hindi pa ba sapat na niyanig niya ang pagkatao ko. napaiwas ako ng tingin. hindi pa ako handang harapin siya.

"stop avoiding me hindi ka ganon kagandahan." he commented. aba! itong hangal na ito. sinamaan ko siya ng tingin.

"hindi kita nilalayuan ungas ka! ang baho mo kasi! umalis ka diyan!" ganitong badtrip ako. imbes na umalis ay naglahad ng kamay.

"sa akin ka pa hihingi ng pamasahe? gagong to." komento ko. he look at me amused.

"can i have this dance?"

"go dance."

"i mean, with you." napatitig ako sa kaniya at napanganga. eksakto namang tumugtog ng panibagong kanta ang banda. taena, minamaligno na nga yata talaga ito.

"nausog ka ba?" tanong ko. tumawa ito.

"i think so." kinuha niya ang braso ko at hinatak.

HINDI! SI PERKY DAPAT ANG FIRST DANCE KO!

pero si perky nga ang nang-iwan sayo. ano martir ka meca?

'wag ako | on-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon