32

697 45 7
                                        

Point of View: Meca

"aray naman nana!" angil ko dahil hinablot na naman ni nana ang bangs ko.

"ikaw bata ka talaga, ilang beses ko na sinabi sa iyo na huwag magsisimangot sa harap ng hapag, ay siya kunin mo ang sauce ng spagghetti doon!" tumalikod na ako para kunin ang sauce.

"buti pa ang hapag may harap, ikaw nowhere to be found." agad akong napasapak sa kaniya, eto na naman nandito na naman ang isang ito. paano ba magiging merry ang christmas.

"bakit ba nandito ka, bwisit." sabi ko, inis ko siyang inirapan.

"hoy, fyi pinsan! every year naman akong nandito!" napaikot ako ng mata, sinuri niya ang buo kong pagkatao at malakas na tumawa.

"damit ba yan o kulambo?" insulto nito, binatukan ko nga.

"bwisit ka talaga kuya ace!!!" ang nag-iisang pinsan kong sakit sa ulo.

"maria! asan na ang sauce?" rinig kong sigaw ni nana kaya agad akong nagtatakbo bitbit ang sauce.

umupo na ako sa harapan ng asungot kong pinsan at simangot na simangot dahil hanggang ngayon di parin ako pinapansin ni perky. natadtad ng merry christmas yung inbox ko pero wala, hindi parin kumpleto ang christmas ko kasi naman si perky eh!

"na! bakit parang piyesta sa dami ng inihanda ninyo po, tatlo lang naman tayo." chismoso talaga 'to.

"kinumbida ko ang isa sa mga malapit na kaibigan ko, kaya ngayon dito sila mag nonoche buena." tumango tango naman si kuya ace at akmang kukuha ng suman sa ibabaw pero agad siyang kinurot sa tenga.

"huwag kang sugapa, apo. wala pa sila, hintayin natin." hagalpak naman ang tawa ko, agad naman akong kinurot ni nana at pinandilatan ng mata.

"maria! ayusin mo ang tawa mo!" sabi ni nana kaya agad akong napatakip ng bunganga si kuya ace naman ngayon ang nagpipigil ng tawa.

nakarinig kami ng doorbell kaya si nana na ang tumayo, mukhang yun na ang bisita ah.

"anong tinatawa tawa mo diyan?" tanong ko. lalo naman itong humalakhak.

"hindi ako makapaniwala na legal age ka na pero baduy ka parin." sabi nito kaya agad ko siya tinapunan ng tissue.

"ikaw kuya ace wag mo kong sinisimulan ah! kaya ka binasted ng babaeng gusto mo eh." napasimangot siya sa sinabi ko ako naman ang ngumisi. "saka susumbong kita kay nana!" sabi ko dinilaan niya lang ako. nagvibrate ang phone ko agad kong tiningnan. si arcane singit lang ito akala ko si perky na.

isa pa tong arcane na ito akala ko tahimik. pero napakakulit kasi ilang araw niya na ako tinatanong ng mga weirdong bagay mostly sa mga nararamdaman ko kay perky. ewan ko ba ang weird nito. pagtapos ako i-unfriend, i-aadd ulit ako. psh.

nakarinig naman ako ng mga yapak. mabilis akong lumingon at mapang asar ding dinilaan siya pabalik at nag-gesture na yari siya. pinandilatan niya ako ng mata.

"nana! si kuya-" hindi na ako natapos magsumbong nang tumama ang tingin ko sa lalaki-bakla- ugh! basta lalaking naka-ngiting nakatingin kay nana. he's smile slowly fades away when our gazes met.

napatikom ako ng bibig. it's been a week but I missed him. siya lang ang taong may kakayahang paguluhin ang buong baduy kong sistema. tiningnan ko muli ang mukha niya. alam kong aware siyang tinitingnan ko siya until makaupo siya sa harapan ko, kasi lumipat ang magaling kong pinsan sa tabi ko pero hindi man lang niya ako tinitingnan pabalik.

'wag ako | on-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon