Point of View: Meca
lunch break na at taimtim akong nagsusulat sa stationary paper na binili ko, medyo mahal pa nga eh pero oks lang. sinunog ko pa yung gilid gilid para magmukhang sinauna.
nangingiti ako habang iniisip ang magiging reaksyon ni perky kapag nabasa niya 'to. wala parin siyang kamuwang-muwang sa mundo na ako ang nagsisiksik ng mga letters sa locker niya.
"ano yan ha?" gulat akong napasigaw at huli na para takpan ang sinusulat ko mabilis nila itong inagaw at binasa. at ayan na ang halakhak nila na umaalingaw ngaw sa bawat sulok ng cafeteria. hanep lang sana kabagan sila! nakita kong pinagkakatuwaan parin nilang tatlo ang letters na'yon hindi ko makuwa kasi pinipigilan ako ni cherry. taena talaga, define friends?
nakatingin na sa amin ang ilang mga studyante. nagtataka sila bakit may kasama akong tatlong baliw. ay ako rin po nagtataka paanong nagkaron ng baliw sa campus.
"iba ka talaga, meca. ibang iba ang level ng kabaduyan mo sa katawan!" komento ni ezra at humalakhak ulit alam naman nila na palagi akong naglalagay ng letters sa locker, bag, bulsa, brief-charot lang sa part na brief-ni perky.
hindi ko talaga alam kung anong baduy sa letters? agad ko itong hinablot sa kanila pagtapos nila akong laitin nang matindi. umupo kaming tatlo at hinayaan naming si cherry ang mag-order. nag-pupunas pa ng luha ang dalawa sinamaan ko sila ng tingin.
"anong baduy sa letters aber?" pagtatanong ko.
"lahat." ani ezra.
"you know kasi mecalog, letters are so old school. meron na tayong tinatawag na social media if you haven't yet informed, there, you could send him letters, without being baduy." mahaba at conyong litanyahan ni airy minsan nga di ko magets itong kumare kong ito, ang sarap lang hilahin ng dila at plantsahin para umayos ayos pananalita.
"excuse me ha, pero letters will never get old! kayo, isumbong ko kayo kay nana! kurutin kayo no'n sa singit." napangiwi sila ng banggitin ko si nana. "..at isa pa ginawa ko na 'yon tula pa nga ginawa ko pero nag eww lang siya, ang baklang iyon!" pagpapatuloy ko dumating si cherry dala ang mga pagkain.
"mecawayan kasi nakakadiri rin kacheezy-han mo madalas." ani cherry.
"hindi cheesy yon! sabi ni nana ang pagaalay ng tula at pagbibigay ng liham sa taong napupusuan mo ay pagpapakita ng sinseridad hindi katulad ngayon na may social media na nga at isang chat lang, nagiging kayo na agad. asan ang sinseridad do'n aber?" paglilitanya ko agad na naparoll eyes si airy, habang bumuntong hininga naman si ezra at napailing si cherry.
they all knew how my nana raised me. si nana, siya ang taong kasama ko simula ng iwan ako ni nanay at tatay. they both died from an airplane crash when I was young. kasama ako do'n but luckily I was saved, yep napaka-imposible no'n lalo pa't nasa dalawa o tatlong gulang palang ako no'n but sabi nga ni nana miracle do happen. and because of that accident, nagkaroon na ako ng phobia sa tubig dagat o kaya naman swimming pool. simula ng ikwento ni nana 'yon, feeling ko kapag nalapit ako sa tubig dagat parang babawiin ang pangalawa 'kong buhay. hindi pwede 'yon, kailangan muna maging lalaki ni perky baby shark.
"oo na, oo na. we get it. may magagawa pa ba kami? kumain na tayo." ani cherry.aware akong baduy ako sa pananamit, sa galaw, sa pananalita at minsan sa mga ginagawa ko kay perky. I was raised by nana who happened to be a very conservative old women.
hindi niya gusto na nagpapakita ako ng balat masyado. at dahil si nana nalang ang kasama ko sa buhay lahat ng tinuturo niya sa akin ay isinasabuhay ko. my friends knew na they won't win against me when it comes to 'kabaduyan thing'. kahit ilang beses na nila akong sinabihan na ang baduy ko from head to toe. still hindi nila mapipilit na magbago ako. hindi ko gusto lalo na't malulungkot ko ang nana ko kapag ginawa ko iyon kaya hindi pwede.
impit na tilian ang pumailanglang sa cafeteria kaya tiningnan ko ang tinitingnan nila.
pumasok ang mga soccer team ng school. they all look fresh, at kakatapos lang mag shower in short mga wet look, translation: ang yummy beh.
parang instant nagkaroon ng black and white ang paligid at tanging namumutawi sa paningin ko ay si perky. wet look siya at kahit pa ba medyo malambot siya kumilos. still, he's the most attractive among them. napamura ako sa isipan ko, sorry po nana.
umupo sila sa gitna ng cafeteria at pinalibutan ng mga makikireng cheerleaders, kampante naman akong walang aaligid kay perky kasi haller baka sampalin lang sila nito bago pa makalapit. they all look happy kasi I heard na nakapasok sila sa interschool sports competition finals, kaya siguro niyaya ako ni perky lumabas ay may victory party pala, taena talaga ni perky akala ko talaga date. yun pala halos lahat ng ka-batch namin invited.
"hoy meca, matunaw!" dinig kong kantiyaw ni ezra, isang irap ang natanggap nito. tumayo ako.
"at saan ka pupunta?" tanong ni cherry.
"sa future ko, saan pa ba?" sabi ko. naiiling si airy. "you know that's not a good idea." hindi ko siya pinansin at nagtuloy tuloy hawak ko yung lasagna na in-order ko. hindi ako mahilig sa pasta but because it his favorites, gusto ko na rin.
kilala ako ng mga kateam mate niya. hindi naman nila ako binubully or such campus dramas but they always make fun of my kabaduyan, hindi naman na ako nasasaktan sa pang-aasar nila, immune na ako. tapos friendly sila towards sa akin
"nice meca"
"hanep talaga meca hahaha!"
"pusta ako itataboy yan ni perky"
"pucha iba ang kabaduyan mo ngayon meca."
hindi ko nalang sila pinansin at nginitian.
"perky baby shark!" sabi ko at umupo sa tabi nito. nagtawanan ang mga kateam mate niya at kinantiyawan si perky.
"ano na naman?" halata ang inis nito kaya di ko maiwasang matawa, ang cute niya kasi.
"ano ba? meca bitawan mo nga ako, bruha ka talaga. ano ba gusto mo?" ani nito.
"ikaw. puso mo." sagot ko, halos napuno ng tawanan at kantiyawan ang cafeteria.
"wag ako, meca. ayoko sayo." madiin na sabi nito at umalis. biglang natahimik ang lahat.
I was left dumbfounded. he said it many times and he never stop reminding me that he doesn't like me but why it hurts.. a lot?
konti akong napatahimik ngunit agad akong ngumiti.
"pakipot ka pa perky baby shark! magiging lalaki ka din." sigaw ko.

BINABASA MO ANG
'wag ako | on-going
Humor"palahi." "'wag ako, gaga." in which a baduy girl keep bugging her gay crush. [baekhyun x yoona] started: 090217 ended: soon ©weirdcupcakesy, 2017