63

426 31 2
                                        

[A/N: listen to kung 'di rin lang ikaw ng december avenue ft. moira, this chapter is inspired by the song.]

Point of View: Meca

when will the last teardrops fall? o kung meron ba talagang huling luha? meron na bang taong napagod umiyak o naubusan ng luha? kasi kung meron, paturo naman ako.

i never thought loving someone could be this devastating pero akala ko tapos na, akala ko wala na akong iluluha pa, akala ko wala nang mas sasakit pa na malamang hindi naman ikaw ang kailangan ng taong higit na kailangan mo pero hindi pa pala.

kumunot ang noo ko upon reading ezra's messages. bigla akong kinabahan at tila nanlamig ang mga kamay ko. natulala ako saglit at muling tiningnan ang litratong sinend niya.

dalawang perky? hindi ba't sabi in-edit lang ito para pang-asar sa kaniya ng nan– napabangon ako at biglang kinutuban ng masama. shit. i have to know what's with this.

kahit pagod na ako ay nagawa ko paring tumakbo. sana nandoon pa rin si ezra. hindi ko mapigilang mag-isip na kaya siguro nandon si ezra kanina kasi hinihintay niya ako para makausap. this must be something important. may kutob ako pero hindi ako maniniwala hanggat hindi ko naririnig ang paliwanag ni ezra o niya.

binalikan ko ang lugar kung saan ko sila iniwan ngunit wala na sila doon, tumalikod ako pero napahinto nang mapatingin ako sa gawing gilid ko, si ezra..

napahinto ako at napatago sa gilid ng makita ang kausap nito.

"tumabi ka diyan, sasabihin ko kay meca whether you like it or not,"

"ez, please, ako na ang bahalang magpaliwanag ng lahat,"

"really? sa ginawa mo malabong kausapin ka pa ni meca, paano mo maipapaliwanag ang lahat? hindi pa man ay tuluyan mo ng sinira ang kaibigan ko. i've told you alot of times na ayoko, na wag si meca, na wag ang kaibigan ko, na umpisa palang ay tutol na ako pero hinayaan kita, pinagkatiwalaan na sasabihin mo sa kaniya ang lahat but you didn't... pinaniwala mo siya sa isang kasinungalingan,"

"that's because she doesn't let me. you know ez, i tried to stay away kasi alam mo ang lahat and i am afraid na kamuhian niya ako pag-nalaman niya, i was afraid na baka iwan niya ako,"

"that's bullsht. you have all the time, perky. but this time, hindi na ulit kita hahayaan. sa tingin mo ba na kapag hinayaan mo lang mamuhay sa kasinungalingan ang sarili mo at si meca ay hindi ka kamumuhian ng sarili mo at ni meca? you made it all worse than it already was,"

"ez, nakikiusap ako. hayaan mo nalang akong kausapin si meca, i'll fix this, i'll fix us,"

"if you wanted meca so bad, then bakit mo pa pinahantong sa ganito? you could've told her the truth, and by that walang aayusin at walang masisira,"

"how can you tell someone that you are not the one that she loves with all her heart, without dreading every single days where there is a high chance that she'll leave you once she found out–"

lumabas na ako at hinarap sila. they are hiding something.

"found out– what?" malamig kong sabi, napalingon sa akin ang dalawa na nanlalaki ang mata. nakasalubong ko ang mata ni perky but i chose to look away.

"found out– ang ano? ezra?" naiinip na sabi ko. may ideya ko pero ayokong maniwala hanggat hindi nanggagaling mismo sa kanila, sa kaniya. nagsimula nang magtubig ang mga mata ko, damn this.

'wag ako | on-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon