48

658 46 17
                                    

Point of View: Meca

"meca. i'm sorry about what happened yesterday."

"ayos lang 'yon. ako nga dapat humingi ng pasensiya kasi tama naman siya hindi ko ginagawa ng tama trabaho ko."

"but still it's not right to say harsh things towards you. the fact that she is older than you. i'm really sorry."

"ayos lang talaga ate primma. focus nalang talaga siguro ako sa studies."

natahimik naman siya at ngumiti sa akin. ang ganda talaga. mukhang anghel. dito naisipan nila ezra na mag group study sa mahabang lamesa sa bandang likod sa la café. ayaw ko sana dito pero dito din kasi ang tagpuan namin ni arcane singit.

sabi ni ate primma, nilipat niya nalang sa ibang branch si manager chuck para hindi masira reputation ng la café sa eksenang nangyari. kaya ayos lang si katy jung naman tinanguan lang ako.

"buti nalang perzi told me agad sa commotion na nangyari."

"dapat talaga sinesante mo nalang 'yon."

"perzi, ano ka ba! tinakot mo na nga na idedemanda mo eh."

"i didn't. gawa gawa ko lang 'yon haller."

nagpanggap akong pokus sa pagbabasa pero sa totoo lang gusto ko ng tumayo at lisanin ang lugar na ito. taena ni arcane singit, inindian na yata ako.

"ate prims, paano 'to nasolve?"

"perky girl, ano 'to di ko gets?"

"perky mars, sino nga ulit si sigmund freud?"

"ate primma, how can you find variance? standard deviation shts."

napabuntong hininga nalang ako at pinagmasdan ang equation na kanina ko pa sinasagutan. naghahalo halo na sa utak ko yung mga formulas. hindi ko na alam susunod na step. accept hypothesis ba o reject. ay gago pano ba ulit ito? arcane where you at? huhu.

"ah okay, ganoon lang pala shet thanks ate prims."

"wow! genius ka talaga beks."

"tae tropa niyo ba yan si sigmund freud but anyway thanks."

"ganon lang? ay ano ba yan thanks ate prims."

so what now? eh kung magpaturo nalang rin ako? eh kaso ang dami naman nilang nagpapaturo kanina pa ako sumisimple kaya lang di ako makasingit bukod kasi sa amin nila ezra nandito din sila yvon. sinamaan ko nalang ng tingin ang equation baka sakaling magsariling sikap ito at sagutin ang sarili.

"ate primma, paano kayo nagkakilala ni perky girl?"

"sa province noon same with meca. childhood bestfriend kami."

"ilang taon ka na ate primma?"

"i'm 23"

"woah, hindi halata ate primma mukha kang 18 mas mukha pang matanda si meca sayo."

sinamaan ko ng tingin si cherry gago to nandamay pa. tumawa naman sila. bagsak balikat kong hinawi ang stats textbook at kinuha nalang ang textbook ng major namin.

"bolera ka."

"ate primma, anong year ka na sa college?"

"I already graduated."

"ano pong course?"

"course one ba? ex battalion? gagong rapper? salbakutah?"

"corny mo giovan!"

"no, bachelor of science in culinary."

"edi dito ka na sa pilipinas ate prims?"

"hindi pa, kukuha muna ako ng master degree sa france para maging chef na ako."

'wag ako | on-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon