27

662 50 10
                                    

Point of View: Meca

nanatili akong tahimik, hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip ni perky. kung tumatakbo ba ako doon o naglalakad lang, joke lang. pero seryoso, hindi ko mabasa ang ekspresyon nito.

kaya pinagmasdan ko nalang ang city lights sa baba namin. ang ganda talaga ng manila kapag gabi akala mo hindi polluted.

"hindi bagay sa'yo." napapitlag ako ng magsalita si perky sa gilid ko. syempre gets ko na agad ang pinagtutungkulan nito baduy ako pero di slow. natahimik ako sandali kasi I know deep inside me, nasaktan ako.

"alam ko, mas bagay kasi tayo." wala sa isip kong sabi kaya agad akong napa-mura sa isipan at napatakip sa bunganga ko. pero useless lang kaya tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig ko, matagal na naman niyang alam yung nararamdaman ko but he chose to disregard it kasi akala niya biro lang ang lahat.

I heard a soft chuckle. "kinikilabutan ako sa'yo babae ka!" see. laglag balikat ko siyang nilingon, back to gay accent na naman siya. "tigilan mo nga 'yang mga tingin mo."

"hindi ka ba galit?" tanong ko. napataas ang kilay niya.

"yung ano.. kanina." sabi ko nawala ang ngisi nito at humakbang sa akin. sabi ko na nga ba galit ang isang ito, sasabunutan niya ba ako at ilalaglag.

"promise mag baback off na talaga ako, sorry na." nakapikit kong sabi habang nakataas pa ang kamay na parang namamanata.

"gaga, hindi ako galit. kasi pag nagalit ako kung ano ano na namang kabaduyan ang gagawin mo." sabi nito napanguso ako. grabe na talaga ang pagiging judgemental ng baklang ito.

"susumbong na talaga kita kay nana perky baby shark, para kurutin niya yung itlog ng poto–" napahinto ako ng bigla siyang umupo sa tabi ko at halos ingudngod yung kamay sa bibig ko. he's so near. stay still, heart.

"kadiri ka maria ericka! napaka bulgar mo magsalita, ikaw lang ang kilala kong baduy na ganiyan." sabi nito may kilala pa ba siyang ibang baduy? tinampal ko ang kamay niya kasi nakukuryente ako.

"ako lang naman ang nag-iisang baduy sa bahay mo." banat ko, naka-ani ako ng isang dagok sa ulo mula sa kaniya kaya napasapo ako sa ulo ko. love hurts, literal.

"napag usapan na natin na titigilan mo na 'yang kabaduyan mo hindi ba?" sabi nito na may kasamang pag-irap.

"hindi naman kabaduyan 'yon, banat yon banat. saka baduy pa ba ako sa suot kong ito?" tanong ko.

"nagmumukha kang trying hard, mas bagay sa'yo ang baduy fashion." komento nito, grabe na talaga ang isang ito.  kanina ayaw niya magpakabaduy ako ngayon naman mas bagay sa akin magpakabaduy. love is complicated, literal.

hindi na ako nagsalita matapos no'n, gusto ko lang i-feel ang gabing kasama ko si perky baby shark, minsan lang kasi ito.

"meca! tingnan mo yung stars, kasing dami ng tigyawat mo." asar nito at humalakhak. gawain niyang asarin ako simula pa noon, pero kagaya ng sinabi ko pagtungtong namin ng high school doon na nagbago ang lahat. pero masaya ako dahil nagagawa na namin ulit ito.

"wala na akong tigyawat!" angil ko. napabuntong hininga ako ng makita ang rectangular smile niya.

"wala na bang pag-asa talaga?" bulong ko pero alam kong narinig niya iyon na wala ang ngiti niya at sumeryoso, kaya agad akong ngumiti sa kaniya at humiga sa damuhan.

'wag ako | on-going Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon