Plan #2: Jean

1.2K 20 1
                                    

-----------------------------------------

Hindi ako naniniwala sa reincarnation dito sa mundong ibabaw. Hindi rin ako naniniwala na kapag namatay ang isang tao ay mabubuhay ulit siya sa bagong katauhan. Pero ngayon dahil sa aking nakita ay hindi ako makapaniwala na baka ang isang bagay na pilit kong tinatakasan na paniwalaan ay possible talaga at may katotohanan. Ngunit ngayon napaisip ako, possible nga ba iyon? Hindi ko rin alam.

Nabuhayan ako ng loob ng marinig ko ang boses ni Angel. Tinatawag pala ako nito ngunit hindi ko ‘to namalayan. Napabalikwas ako ng tinawag ako nito. Hindi ko nga alam kung ilang beses na nitong pilit na kinukuha ang aking atensyon.

“Hoy! Magising ka nga, nagda-daydream ka na naman, nakanga-nga pa to, tulog mantika ka pa man din,” sabi ni Angel sa akin.

Nang mairinig ko ang boses ni Angel, reality slammed me back into focus. Napansin kong hawak-hawak ko pa din ang tinidor sa aking kanang kamay habang hindi ko namalayan na lumilipad na naman pala ang isip ko.

“Oi babae! Diba sabi ko sayo huwag kang tumira ng rugby, ‘yan tuloy kahit saan lumilipad yang isip mo,” sabi pa nito habang hinihiwa ‘yong steak na nasa kanyang plato.

“Kasi naman,” marahan kong singhal sa kanya.

Tinignan ko ‘yong pagkain sa aking plato. Hindi ko masabi kay Angel na kamukha ni Benjo si Max at kapag naisip ko to at pilit na pinipigilan na sabihin ito kasi pakiramdam ko ay parang nag-ta-tumbling ‘yong mga salita pabalik sa aking dila papunta sa aking ngala-ngala.

“Kasi ano.” She paused as she chewed the food inside her mouth. Tumingin ulit siya sa akin ng malunok na niya ang pagkain sa kanyang bibig.

“Kasi magkamukha si Benjo at si Max.” Walang preno niyang sinabi iyon na nagpabilis ng tibok ng puso ko. ‘Yon ‘yong nasa isip ko all this time at hindi ko alam na ‘yon din pala ang nasa isip ni Angel.

“Girl move-on move-on din 2014 na o, ‘di ka pa rin makawala sa alaala ni Max. Jusme, naman o,” sabi niya na may halong frustration sa likod ng kanyang boses.

I sighed. “Hindi ‘yon ganoon kadali eh,” sabi ko sa mahinang tono then, I looked away.

Nakita kong nagkibit balikat ito. “It’s been two years tapos sasabihin mo sa akin na hindi ganoon kadali? Lelang mo Jean. Sino niloko mo?”

“Hindi nga kasi ganoon kadali ‘yon,” sabi ko sa pangalawang pagkakataon. Parang defense mechanism ko na ‘yon o ‘di kaya naman ay talagang nasa denial stage pa rin ako at hindi pa rin makamove-on mula sa stage na ito. May mga bagay kasing madaling sabihin pero ang hirap gawin at sundin.

“Bahala ka nga,” singhal nito. Nakita kong nagkibit balikat ulit siya.

Nagkatinginan lang kami habang unti unting binabalot ng katahimikan ang paligid namin. Pagkatapos no’n ay inayos muna namin ang aming mga sarili at sabay kaming tumayo mula sa aming kinauupuan para umalis.

The Break Up Plan (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon