----------------------------
Sa wakas ay makakapag-relax na din ako at wala ng mangingistorbo sa akin except na lang kung may mangangahas at maglalakas ng loob. Mabuti na lang at wala akong kasama dito sa bahay na aking inuupahan. Hindi ka nagkakamali sa nabasa mo nangungupahan lang ako. Pero kahit na ganoon ay maganda pa rin naman ako. Mayaman in my own ways and not poor as what you think.
Umupo ako sa salas at tumingin sa dingding ng bahay. May biglang pumasok sa aking isip. Kinuha ko ang libro mula sa aking bag at tinignan muna ang cover ng libro bago ko dahan dahan itong binuklat. Hinanap ko ang pahina kung saan ako kanina huminto dahil sa babaitang iyon na pinagkamalan akong sales lady at ‘yon ay sobrang nakakaasar. Syempre, hindi naman sa minamaliit ko ‘yong mga sales lady natin dahil marangya naman ‘yong trabaho nila, it’s just that hindi ko nagustuhan ‘yong approach noong babaeng ‘yon. Ang sarap sarap ng pagbabasa ko kasi nasa intense part na ako tapos may tatapik sa akin para lang tanungin ako sa mga bagay na hindi ko naman alam.
Nang mahanap ko na yung pahina na ‘yon ay mabilis na hinanap ng aking mga mata ‘yong part kung saan ako huminto.
“Ah dito,” sabi ko sa sarili ng mahanap ko yung page na’yon. Nagsimula na akong magbasa with all my focus on the book that I’m holding.
This mission is called OPERATION: PLANNING MY BEST FRIEND’S LOVE STORY, which have been well planned and tested by experts. This mission have been proven effective if the following plan will be properly administered by the accomplice. To be able to carry out the plan for a favorable result the following plan should be successfully carried out.
Bago ko ilipat sa next page ay huminga muna ako ng malalim. Ramdam ko na naman ang intense, thrilling feeling na aking naramdaman kanina. Inihanda ko na ang sarili ko sa mga susunod ko pang mababasa pero ngayon pa lang ay nag e-enjoy na ako paano pa kaya kung nasa totoong misyon na ako.
I heared the flicking sound of the paper as I turn to the next page.
Plan #1: Find a guy who is suited for the mission.
Napalunok ako ng laway sa unang plano. May isang pangalan na pumasok sa aking isip, so I read the next plan and I think I’ll enjoy this game.
Plan #2: Make sure there's an attraction before executing the next plan.
Sa pangalawang plano ay napaisip ako. Paano ko naman malalaman na may attraction ng nabuo between them? Since wala pa akong naging karanasan sa pag-ibig ay masasabi ko talagang mahihirapan ako sa misyon kong ito. Yes you read it right, ako ay isang babaeng no-boyfriend-since-birth. Huwag na kayong magtaka dahil ang mga babaeng magaganda na tulad ko ay mataas talaga ang standards. Kahit na sinasabi nilang talo ng malandi ang maganda atleast maganda ako eh sila bakit sila lumalandi? Kasi tanggap nila sa mga sarili nila na wala silang ganda at puro lang landi ang alam nila.
Plan #3: Make them closer to each other, slowly but surely.
Siguro hindi naman ata ako mahihirapan sa plan number three. Kayang-kaya to ng powers ko.
Plan #4: Make them fall in love with each other without the two of them knowing.
Syempre, kapag na-fall in love it’s a sudden impact. Hindi sila makakatakas doon. Ang kailangan ko lang gawin at kung saan talaga ako mahihirapan ng todo ay sa plan number five.
Plan #5: Plan a date that will be remembered for rest of their lives.
I tilted my head and rertrieve my thoughts. “Date? Rest of their lives? Dadating din tayo diyan,” I said inside my head.
Plan #6: Make him kissed her passionately,
‘Tong plan number six eh kasama naman ata to sa plan number five. No worries and no sweat.
Pagkatapos kong basahin yung plan numbers one to six ay may nakasulat ulit na note sa pinaka-ilalim ng page.
Note: If the plan numbers one to four will be executed properly and correctly the accomplice has the right to contact us to give him/her help that he/she needs to execute the plan numbers five and six successfully.
Bago matapos ‘yong page ay nakita ko ang contact number, email at address ng book publishing ng librong ito. Syempre, masaya ako dahil tutulong din naman pala sila. Akala ko mag-isa ako. Ang saya lang isipin na matutulongan at mapapasaya ko ang best friend ko without her knowing and I think it’s the best feeling ever.
Inilapag ko ang libro sa table. I yawned and felt sleepiness starts to creep all over my system. I tried not to fall asleep kasi hindi pa ako nakakapag hapunan but the next thing I knew I fell asleep, soundly but still pretty.
BINABASA MO ANG
The Break Up Plan (FINISHED)
RomanceThe success of the mission is not to make a happy ever after, but to break them apart. Copyright (c) 2014 by Vinsfortin