Plan #7: Angel

417 12 0
                                    

--------------------------------

Nagpalipas muna ako ng oras sa mall. Paikot-ikot ako sa loob ng mall habang nasa isip ko pa din ang mga nangyari kanina. Bakit ko ba ‘yon nasabi kay sir Alphonse? Tanong ko sa sarili ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang kahihiyan na dulot ng hindi pinag-iisipan na mga galawan. Huminto ako sa aking paglalakad sa harap ng National Bookstore. Pumasok ako dito at nagtingin-tingin ng mga libro para naman mabaling sa ibang atensyon ang isip ko. Kumuha ako ng isang libro, mabuti na lang at bukas ito kaya binuklat ko ang loob. May nakakuha ng atensyon ko habang brina-browse ko ang libro na hawak ko.

‘How to Make Your Best Friend Fall in Love Again’

‘Yan ang title ng chapter sa librong ito. Mukhang interesting kaya binasa ko ang nakapaloob sa kabanatang ito. May iba’t ibang tanong sa ilalim na aking binasa. Grabe, nakuha ang interest ko ng librong ‘to ah.

 

 

Question #1: Is you’re best friend had his/her heart broken?Malaking, Oo ang sagot ko sa kailalaliman ng isip ko.

 

 

Question #2: Is he/she never had any relationship after his/her heart broken? – Sa loob ng nakalipas na dalawang taon? Never as in. Teka, kinakausap ko ba ang sarili ko? Baliw na ba ako? Okay lang hindi naman halata. Mas halata kaya ang kagandahan ko kaysa sa kabaliwan ko pero kayo na din ang humusga, but don’t be judgemental.

Pinagpatuloy ko ang aking pagbabasa.

 

Question #3: Does he/she tells you that he/she is afraid to fall again? – Tumpak na tumpak ang tanong ito as in malaking check ng pink kong ballpen na mamahalin dahil G-Tech. Pasok na pasok sa bangga si Jean sa tanong na ito at walang tatalo sa kadakilaan niya sa pagiging emo kahit na Alaska pa yan.

 

Question #4: Are you a concern citizen and do anything to make your best friend fall in love again? – For sure I am.

If the answer is a big YES, then bilhin mo na ‘tong magazine. Hindi, joke ko lang ‘yong last phrase.

May nakita akong note na naka-Italic na message sa itaas ng bagong page binasa ko ito kasi parang kailangan basahin.

 

NOTE: This mission needs to be executed in a proper way, proper timing and last but not the least must be done secretly. The targets should never had an idea about this mission and neither of the two party should never know you, as an accomplice of this mission. If the plan didn’t done in a proper way, timing and didn’t executed in which the odds is on your favor the mission will be considered failure. Good thing about this mission there’s no severe punishment if you fail.

If you’re ready, you can now turn the next page.

Grabe intense at pinagpawisan ako kahit na aircon ang loob ng national bookstore dahil sa librong ito. Huminga muna ako bago ko inilipat sa susunod na pahina. My heart skips a beat when suddenly I feel someone tapped on my left shoulder.

Napatingin ako sa aking likod. “Excuse me miss,” sabi ng babae na punong puno ng kolorete at parang ginawang coloring book ang kanyang mukha.

“Mayroon po ba kayong books ni Vinsfortin dito?” Sa tono ng tanong niya ay para akong sales lady dito. Kumunot ang noo ko at tinignan ko siya ng masama.

I furrowed my eyebrow. “Miss, mata ang ginagamit sa paghahanap at hindi bunganga. At sabihin ko sayo hindi ako sales lady,” sabi ko na may inis sa aking boses. Ngayon ay nakapameywang na ako.

“Ay, sorry po,” she apologized as she slowly walks away from me.

Sa ganda kong ‘to napagkamalan pa akong sales lady. Nakakabanas talaga ang sarap magsunog ng mga malalandi at gawing panggatong sa oven. Sa sobrang inis ko ay naglakad ako papunta sa counter para mabayaran na ‘tong libro. Ibinigay ko sa cashier ang bayad ko ng magsalita ito.

“Ma’am mayroon po ba kayong seven pesos?”

Napatingin ako diretso sa kanyang dalawang mata. “Sobra-sobra na nga ‘yong bayad ko may sukli pa nga, tapos manghihingi ka pa ng seven pesos? Hindi ka ba marunong magbilang?” sabi ko sa babae. Lumalabas na naman ang kamalditahan powers ko dahil sa mga tanong na walang saysay.

“Just keep the change girl, abuloy ko na sa katalinuhan mo na kakalibing lang ata noong isang araw. Sa susunod magbaon ka naman ng extrang katalinuhan para naman hindi ka magmukhang shunga,” dagdag ko pa. Bago ako tumalikod at isaboy ko sa pagmumukha niya ang maganda kong hair ay inirapan ko muna siya.

“Sayang po ma’am maganda po sana kayo, kaso parang expired na po yung good moral and righ conduct niyo po eh,” hirit pa niya. Hindi ko na siya pinatulan. Nakakahiya naman kung ibaba ko pa ang standards ko sa mga tulad niya. Pasalamat na lang siya at kinausap ko pa siya, aba privilege na din ‘yon.

I walked with my beauty on and with my overflowing confidence that shimmer from the outside. Irampa ang kagandahan at iwan ang ka-shungahan. It’s good to be nice but it’s nicer not to be good, sometimes. Because if you’re nice people will only take advantage of your kindness.

The Break Up Plan (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon