Plan #5: Angel

552 12 3
                                    

-------------------------

“Kumusta na ang beauty mo Angel?” tanong sa akin ng babaeng bitter, na nakasandal sa desk niya. Kung makapamewang ito ay akala mo ay siya ang may-ari ng kompanyang ‘to. Alam niyo ‘yong feeling na wala naman siyang ginagawa sayo pero sa akin pero bawat tingin ko sa mukha niya ay mas nadadagdagan ang inis ko sa kanya.

“Kumusta ang beauty ko?” sabay turo ko sa mukha ko. “Maganda pa rin, hindi tulad ng beauty mo, mukhang coral reef sa dami ng pores.”

Lumapit ako sa kanya at tinapik ko siya ng hindi kalakasan sa kanyang balikat. “Uso magpa-facial girl,” sabi ko. Nakita ko ang pagkunot ng mukha niya.

Naglakad ako papunta sa aking desk. Minsan talaga kapag mga ganoong mukha ang nakikita ko sa umaga feeling ko sira na ang buong araw ko.

“Good morning,” bati sa akin ng isang babaeng mukhang pusit naman na kung makapag good morning sa akin ay akala niya hindi ko alam na bina-backstab niya ako. Well, hindi ako magpapa-apekto. Hindi naman kami close at mas lalong ayokong maging feeling close sa mga mukhang bisugong ‘to.

“Paano magiging good ang morning ko kung ‘yang mukha mo ang makikita ko sa simula pa lang ng araw ko?” pagtataray kong sabi.

“Ang taray mo naman bes akala ko ba okay na tayo,” pa-demure nitong sabi habang nakangiti, plastik na ngiti.

Huminto ako sa aking paglalakad at tinignan ko siya ng harapan.

“Girl minsan masarap manahimik, lasang tanga. Kasi kung ayaw mong manahimik baka mabangasan kita,” sabi ko sabay lakad palayo.

Isa pa ‘tong babaeng ‘to akala mo eh ang inosente kung maka-asta eh. Porke’t nilibre ko siya noong isang araw ng sopas akala naman niya friends na kami. Excuse me, nilawayan ko kaya ‘yong sopas na ‘yon bago ko ibigay sa kanya. Kasalanan ko ba kung patay gutom siya.

Umupo agad sa upuan behind my desk as I catch my breath. Mabuti na ang ay naglagay ako ng celetique cream. Napakamahal pa naman nito at sayang lang kung hindi ito umepekto sa beauty ko. Ang mahal pa naman nito.

Aaminin ko sa sarili ko na hindi naman ako kagandahan pero may karapatan naman akong magmaganda. Dahil naniniwala ako sa kasabihang ‘Hindi man ako maganda sa inyong paningin, mga pakyu kayo, huwag niyo akong gawing salamin.’

Sa hindi kalayuan mula sa aking desk ay nakita kong naglalakad si Architect Benjo na may dala-dalang mahabang plastic na lagayan ng blueprint sa likod niya. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Sa pag-o-observe ko sa kanya ay may nai-tanto ako sa aking isip.

Una, guwapo siya, matipuno at sa tingin ko naman ay may abs siya.

Excuse me lang po hindi po ako manyakis, isang babae lang po akong mahilig sa abs.

Pangalawa, mabait siya.

Hindi man kami ganoon ka close sa isa’t isa one of these days ay sisiguraduhin kong magiging close ko siya.

Pangatlo, mukhang yummy siya. Though, hindi ko pa talaga siya natitikman.

Nakita kong naglalakad ang best friend kong si Jean ng makasalubong niya along the way si Benjo. She stopped as she start a conversation with Benjo. Napatingin ako sa mukha ni Benjo na na sa mga oras na iyon ay nakatingin sa mukha ng best friend ko. May napansin lang ako sa mga mata ni Benjo. Para bang nagtwi-twinkle ang mga mata nito habang nakatitig siya kay Jean.

May ideya tuloy na biglang pumasok sa isip ko habang tinitignan ko silang dalawa. I think it’s a mischievous idea but who cares, I’m mischievous anyway.

The Break Up Plan (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon