Plan #28: Angel

212 5 0
                                    

------------------

I walked fast through the traffic light, busy street and every people who passed by me were like chasing and being chased. Mabilis man ang lakad ko ay pinatili ko ang aking balanse at ang aking natural na tindig. I kept my pace.

Pakiramdam ko ay ang suwerte suwerte ko sa simula ng araw ko dahil eksaktong alas otso ako nakapag log-in sa bundy clock. Nakahinga ako ng malalim at pagkatapos nito ay binigyan ko ng matamis na ngiti si manong Guard. He smiled back. Naglakad ako sa pasilyo habang kinakalkal ko ang loob ng aking bag. Wala ang atensyon ko sa aking tinatahak na daan kaya naman ng may mabanga ako sa daan ay muntikan na akong mawala sa balanse mabuti na lang ay mabilis kong na-ipuwesto ang aking kanang paa para hindi ako mawala sa momentum at hindi mawala sa balanse ang aking katawan. Napahinto ako sa aking paglalakad. Napatigil ako sa aking paghahanap sa loob ng aking bag at napatingin ako sa taong nasa harap ko.  Napalunok ako ng laway dahil sa aking nakita. Biglang nagbago ang pananaw ko sa simula ng araw ko dahil ngayon pakiramdam ko naman ay ang malas malas ng entrada ng araw ko. Nasa aking harap si Dahl nakatayo ito at nakapameywang pa. I examined her.

“Shit!” she said with disgust. Kinuha ang kanyang shades mula sa pagkakatakip nito sa kanyang magkabilang mata. Nakakurba ang magkabilang kilay at halos magdikit na ito habang tinitignan ako. Napaka tapang ng mga mata nito na kung nakakamatay lang ang kanyang mga titig ay baka pinaglalamayan na ako ngayon. Mabuti na lang at hindi. Habang tinitignan ko siya ay hindi ko mawari at lubos na maipinta ang kanyang mukha sa sobrang inis nito. She pressed her red lips together. Sa kapal ng lipstick niya ay parang color pastel at hindi lipstick ang ginamit nito. Makapal ang kanyang blush-on. Kitang kita ko talaga sa kanyang mukha na puno ng inis at sa sobrang inis nito sa akin ay parang malabundok na ang kanyang magabilang pisngi.

“Look what have you done! Do you even know where you’re going? You sloppy head!” She scowl.

Itinaas ko ang aking kaliwang kilay. “Tanggalin mo muna kasi yang shades mo bago maglakad at ng makita mo naman ang dinadaanan mo. Imposible naman kasi na sa lawak ng daan hindi mo ako nakita?”

“I have no thing for ugly creatures like you,” singhal pa nito sa akin. Aaminin ko na medyo tumagos sa dibdib ko ‘yong sinabi niya. Hindi naman dahil sa mga salita niya kundi dahil sa inis na bigla na lang bumugso sa loob ko. Nakakakulo talaga ng dugo ‘tong babaeng to.

I furrowed my eyebrows. “You should not be too hard on yourself,” I said with a sarcastic smile.

“You halfwit!” She said with disgust but I didn’t seem to mind.

In a flash of a moment ay mabilis na lumipad ang kanyang palad papunta sa aking mukha. Pakiramdam ko huminto ang oras at parang nakadikit ang aking mga paa sa sahig at hindi ako ito ma-igalaw. I stood frozen and took a deep breathe as I closed my eyes waiting for that moment. Finally, I hear the sound. Nagtaka lang ako dahil walang kamay na dumampi sa aking mukha. Pero hindi ako nagkakamali na may narinig akong lagapak ng kamay. I slowly opened my eyes.

Nanlaki ang aking dalawang mata ng makita ko kung sino ang nasa harap ko. Hindi ako makapaniwala. Napatingin na lang ako. Nakita ko na sinalo ni Alphonse ang kamay ni Dahl bago pa man ito dumampi sa aking mukha. Hawak pa rin ni Alphonse ang kamay ni Dahl. Agad namang binitawan ni Alphonse ang pulso ni Dahl mula sa kanyang pagkakawahak dito. Tumingin sa akin si Alphonse.

“What’s the ruckus around here?” tanong ni Alphonse sabay na inilipat ang tingin nito kay Dahl.

Tumingin si Dahl sa akin na may halong bitterness sa kanyang mukha. “I think she’s the one to be asked ‘bout it and not me,” pagmamalinis na sabi nito. Napatingin sa akin si Alphonse. 

The Break Up Plan (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon