Plan #41: Jean

223 6 0
                                    

---------------------

Sa mga nagdaang araw ay masasabi ko talagang naging mahirap ito para sa aming lahat na nagmamahal kay Angel. Si Alphonse, bilang isang nobyo ng aking best friend, ay kitang kita ko kung gaano kahirap ang mga nagdaang araw para sa kanya.

Knowing that my best friend is in the verge of death ay hindi nga ako halos makapag saya. This past few days din ay mas lumuwag ang schedule ko kaya naman ay naging frequent na din ang aking pagbisita. Minsan kasi wala si Tito Armando at Ceasar para bantayan si Angel, may mga dapat kasi silang asikasuhin. Mabuti na lang ay nandito si Alphonse pati na rin ako na handang maglaan ng oras. I know na hindi ako obligado. Angel is my best friend and just by being with her while she’s on her hospital bed makes me feel better. I think its better enough.

Inilipat na din si Angel mula sa ICU papunta sa isang private room. Pinayagan na din kami na makapasok sa kwarto niya. Hangang hanga ako kay Alphonse at sa katatagan niya. Every day and every night, 24/7 ay nasa hospital siya para bantayan si Angel. Madalang lang siya wala, its either may importanting meeting na kailangan talaga ang presensiya niya o may mga importanteng papeles na dapat ay asikasuhin, ay doon lang siya wala sa hospital. I never met someone who’s truly dedicated to someone so much that he’s willing to spend every second of his everyday even just by sitting beside her.

Noong isang araw ay may sinabi sa akin si Alphonse na talaga namang tumatak sa isip ko.

“Alphonse, why would you take a break? Umuwi ka muna at magpahinga. Nandito naman ako. Ako muna ang magbabantay kay Angel,” sabi ko kay Alphonse habang inaayos ang mga pinamili kong prutas sa may basket na nasa tabi ng kama ni Angel.

I wasn’t looking at him at that moment at ang akala ko noon ay hindi siya sasagot sa sinabi ko. Kasi nasanay naman din ako na matipid talaga siyang sumagot lalo na kapag malungkot ito. Narinig ko ang kanyang pagbuntong hininga.

“Ayokong umalis sa tabi niya. I don’t want to lose the chance of being with her. I just want to stay here where she is. I don’t want to leave her at any moment, because I’m afraid that if I did, on the moment that I’m not with her might be the moment I will lose her forever. I will never forgive myself if that would happen. That is why I’m taking every day, every second, every moment of my life just staring at her even if there’s no point of staring at her beautiful face.”

Napangiti ako dahil sa mga salitang kanyang binitawan. I’m happy that my best friend finally found the man that love her more than everything in the world. Kaya naman nawa’y magising na si Angel at ng masimulan na nila ni Alphonse ang kanilang happily ever after.

This past few days din ay naging madalang na ang pagkikita at pag-uusap namin ni Benjo. Hindi ko alam kung ako ang problema o siya. I try to reach out for him pero palaging nakapatay ang kanyang phone. Kapag pumupunta naman ako sa condo niya ay wala naman tao do’n. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa aming dalawa. Simula ng may mangyari kay Angel, ay nagsimula din ang panlalamig ni Benjo sa akin. I try to understand him na baka busy lang siya sa mga gawain niya pero bakit gano’n? Napaka unreasonable naman niya and I couldn’t get it. Hindi naman kasi kami katulad nito kahit dati pa.

Lahat kami ay parang nabunutan ng tinik ng tumawag ang pulis sa amin at sinasabi nilang nahuli na daw nila ang lalaking kasama ni Angel ng mangyari ang  aksidente. Paanong nakatakas siya sa aksidente at si Angel lang ang napuruhan?

Nagmadali kami ni Alphonse pumunta ng presento para malaman kung sino ba itong taong ito. Habang binabaybay namin ni Alphonse ang highway ay kitang kita ko sa mukha niya ang galit. He’s attention was on the road but I know that he’s mind is somewhere else.

The Break Up Plan (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon