Plan #25: Angel

191 7 0
                                    

--------------------------

“Pinatatawag ka ni sir Alphonse. Pumunta ka daw sa office niya,” sabi sa akin ni Mia. Si Mia na maganda at mabait. She’s totally gorgeous. Ang suwerte nga ni Paul at napa-ibig niya ito eh.

Tumango na lang ako at nginitian siya. I gather myself bago tumayo mula sa aking kinauupuan. Naglakad ako sa pasilyo papunta sa opisina ni Alphonse. Ngayon ay napaisip ako kung ano na naman kaya ang ipapagawa ni Alphonse sa akin. Noong isang araw kasi ay nagkanda letse letse ang lahat, though sinadya ko talagang lagyan ng hot sauce ang juice ni Dahl. I just really want her out of my way to Alphonse heart. Ang lahat lang naman kasi na ‘to ay ginagawa ko para mailayo si Dahl kay Alphonse. Pero dahil sa ginagawa kong ‘to ay parang ako ang nagmumukhang kontrabida sa kuwentong ‘to. Though, hindi naman talaga.

I wonder if this time ay maabutan ko na naman ang pagmumukha ng babaeng ‘yon sa office ni Alphonse. Sana hindi. Sana huwag, kundi maaalala ko na naman ang na ginawa ko at baka mapahalakhak pa ako ng malakas habang tinitignan ko siya. I am really such a bad girl. Alam ko pero ginagawa ko lang naman lahat ng ito sa ngalan ng pag-ibig Nagmamahal lang ako at kasalanan na ba ngayon ang magmahal?

I silenly make my way through the hallway. Madaming naglalaro sa loob ng isip ko. Huminto ako sa harap ng opisina ni Alphonse. Huminga ako ng malalim, three times, at nag sign of the cross pa ako bago kumatok sa pinto. May the odds be ever in my favor. Sa ginawa ko ay parang sasabak ako sa gyera. Hindi ito hunger games at mas lalong hindi ito divergent.

Kumatok ako sa pintuan ngunit wala akong narinig na sagot mula sa loob. Siguro ay busy lang si Alphonse kaya naman ay hinawakan ko ang door knob, pinihit ito at binuksan. Pagkabukas ko ay hindi ko inasahan ang aking nakita. Nanlaki ang dalawa kong mata.

“Ay! Anak ng tokwa. Sorry.”  Dahil sa pagkaka stunned ko ay parang binalot ako ng lamig na sensasyon sa aking buong katawa dahil sa aking nakita. At dahil na rin sa pagkakabigla ko ay mabilis akong lumabas ng kwarto at isinara ng malakas ang pinto.

Pinakiramdaman ko ang tibok ng aking puso habang nakapatong ang aking Totoo ba lahat ng nakita ko? Are they really gonna do that here? Ganoon na ba ‘yong dalawang ‘yon katigang, at pati sa office ginagawa nila ang ganoong bagay? Ano na ba ang progresso ng kuwentong ito? Baka naman kasi erotic na ang genre ng kwentong ito. Kaso hindi eh. Hinding hindi.

Madaming mga bagay ang pumapasok sa loob ng utak ko. Mga katanungan na walang sagot at mananatiling katanungan hangga’t hindi ko nalalaman ang lahat. Pero bakit? Bakit fifty shades ang peg nilang dalawa? Sana hindi naman.

Pilit kong inalala ang lahat ng aking nasaksihan kanikanina lang. The images start to flicker inside my head. Nakita kong nakagapang at nakapatong si Dahl sa desk ni sir Alphonse. She was holding his neck tie as if pulling him towards her. Nakaupo lang si Alphonse pero bakit ganoon ang ekspresyon niya sa kanyang mukha? Pinagpapawisan pa ito kahit na naka-on naman ang air conditioning unit ng kuwarto.I think she was seducing him and everytime I would try to remember the look on their faces it seems like my tummy starts to rampage. Para bang kumukulo ito at gusto kong masuka. Kahit na sabihin pa nila na girlfriend siya ni Alphonse o fiance pa man ay hindi ako makakapayag na gawin nila ‘yon. But then, I felt like I was hit by a bullet in my chest. I can’t barely breathe. Bakit nga ba ako nasasaktan ng ganito? Sabi nila kapag nagmamahal ka masaya ka, pero bakit ako, nagmamahal ako pero nasasaktan ako?

Nasa harap pa din ako ng pintuan. I lean on it as I put my hand on my chest. I can feel my heart beating so fast. It was racing fast but I can’t do a thing about the pain that dwells inside of me. Hindi pa rin ako makapaniwala sa aking nakita at hindi ko pa rin maiwasan ang mag-isip ng hindi naayon dahil doon.

The Break Up Plan (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon