---------------------------------
Minsan natutulala na lang ako bigla habang nakatingin sa bintana ng aking kwarto. Maraming mga mga bagay bigla –bigla na lang pumapasok sa isip ko. Hindi ko alam kung saan ito nanggagaling at kung bakit nagkakagan’to ako. Habang nakatingin ako sa labas ng aking bintana at tinitignan ang kulay asul na kalangitan at habang dinarama ko ang pagtama ng hangin sa aking mukha, bigla-bigla na lang pumapasok ang litrato ng mukha ni Max sa isip ko. I think it is not the memory that is hard for me to let go but it’s the picture of him inside my head. Nang biglang tumunog ang telepono na nakapatong sa ibabaw ng maliit na cabinet na nasa tabi ng aking kama ay napabalikwas ako at nagising mula sa aking pagkakatulala. Nagtaka ako kung sino ‘yong tumawag kaya agad akong tumayo at kinuha ang aking telepono na sa kasalukuyan ay maingay na tumutunog. Agad ko itong sinagot.
“Hello Angel, Ba’t ka napatawag?”
Narinig kong nagbuntong hininga muna si Angel na nasa kabilang linya bago ito magsalita.
“Bes, bakit wala ka pa?” halata ang pagkataranta sa boses nito na kahit na nasa kabilang banda ay masasabi kong may ibig itong sabihin na mahalagang bagay sa akin.
“Pasensya, natulala lang ako saglit kaya di pa ako nakakapaghanda,” sabi ko.
“Anong petsa na atey, bilisan mo at pinapupunta ka ni Alphonse sa office niya, may mahalaga daw siyang idi-discuss sa inyong dalawa ni Architect Benjo. Tungkol ata ‘to sa mahalagang project na gagawin n’yo,” sabi ni Angel na halatang nagmamadali dahil dire-diretso ito kung magsalita na para bang hindi na humihinga.
“Sige, sige. Bye.” Agad kong pinatay ang tawag at kumaripas na ako para maghanda papunta sa office.
Binilisan ko ang paglilinis ng katawan. Pero kahit na nagmamadali ako ay sinisigurado ko pa rin na malinis na ang boung katawan ko, mula ulo hanggang paa bago ako lumabas ng comfort room.
Pagkatapos kung maglinis ng katawan ay agad akong nagbihis. Hindi na ako nag-inarte sa aking sosuotin basta kaaya-aya sa mukha ay puwede na. Naglagay ako ng light na make-up, eksakto lang para lumabas ang ganda at attractiveness ko. Naglagay ako ng lipstick, red, para maging fervent ako tignan.
Hindi rin nagtagal ay lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa garage. Nagmadali akong sumakay at agad kong binuhay ang makina ng aking sasakyang tsaka ko ito pinaandar. Habang tinatahak ko ang kahabaan ng EDSA ay pinanatili ko ang composure sa aking sarili. Kahit na naghahabol sa oras dahil sa ka-gagahan kong magde-dreaming at dapat hindi ako makipagkarerahan. Hindi naman ata malaking race track ang EDSA eh no, kasi kung makikipag-unahan ako sa mga tricylce eh mas hamak naman na mas mabilis akong magpa-andar. Hello, naka-audi kaya to.
Pinark ko ang aking kotse bago ako bumaba at kumaripas na naglakad papasok sa opisina. Sa isip-isip ko ay late na naman ako at nakakapanghinang malaman na bawas na naman ito sa aking sweldo. Pero kasalanan ko naman at the first place.
“Sa wakas ay dumating ka din mahal na prinsesa,” bungad sa akin ni Angel ng ako’y makita nito na naglalakad sa pathway.
BINABASA MO ANG
The Break Up Plan (FINISHED)
RomanceThe success of the mission is not to make a happy ever after, but to break them apart. Copyright (c) 2014 by Vinsfortin