Plan #40: Jean

202 4 0
                                    

---------------------------

Ilang araw na ang lumipas pero mahimbing pa rin ang tulog ni Angel sa Intensive Care Unit. Sa ngayon ay pinagbabawalan pa kami na pumasok sa loob ng ICU. Ang pinapayagan lang na makapasok ay tanging si tito Armando. Tanging sa transparent glass lang namin ni Alphonse nasisilayan ang kalagayan ni Angel. All we can do is to watch her while she’s asleep.

I satred at her as her chest rise and fall as the oxygen enters her lungs.

These past few days ay palaging narito sa hospital si Alphonse. Kahit na hanggang sa labas lang siya ng kuwarto kung saan sa parisukat lang na bintana niya nasisilayan ang kaibigan ko ay matiyaga niya itong binabantayan. Ako naman ay ngayon lang ulit ako nakadalaw dahil na rin sa maraming gawain sa opisina at proyekto na dapat tapusin. Hindi ko naman puwede ‘yon iwanan.

This past few days ay ako na rin ang naghandle sa lahat ng meetings ni Alphonse. Naiintidihan ko siya kaya naman ay ako na lamang ang humarap sa mga kliyente at ang um-attend sa bawat meeting. Hindi ko masisisi si Alphonse. I’ve been there in his place. I stood there where the pain was unfathomable. That is the worst thing about pain, it demands to be felt.

Habang nakatingin kay Angel, through the window, ay mayroon bigla na lang sumulpot sa aking tabi. Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa aking tabi habang tinitignan din si Angel sa bintana.

“Hindi pa talaga siya nagigising. Masyado atang ini-enjoy ni Angel ang pagpapahinga. I missed her so much” mahinang sabi ni Alphonse. Halata sa boses nito ang pangungulila pati na rin ang lungkot.

Kahit pilit nitong itinatago ang kalungkutan sa kanyang mukha ay para bang bawat linya nito ay nakaguhit na sa bawat kanto ng kanyang mukha. Kaya kahit ano pang ngiti ang ipakita nito, sa bawat pagpeke nito ng ngiti ay sa likod nito ay kitang kita pa rin ang maskarang pilit nitong binobuo para matakpan ang kalungkutan sa likod ng tunay nitong nararamdaman.

I blink rapidly. “I know your hurting Alphonse you don’t have to just smile it away like its nothing. Puwede nating pag-usapan yan,” sabi ko kay Alphonse pero ngiti lang ang tanging naging sagot nito sa akin.

Huminga ito ng malalim. Sa aking nakikita sa ekspresyon nito ay alam ko na ay wala itong balak na magkuwento o pag-usapan ang kanyang nararamdaman. No matter what his reasons are ay naiintindihan ko siya.

Dealing with pain is not that easy. It feels like you have your rib cage broken, or every organ inside your body is failing. You know, there is no easy way of dealing with pain. Is like your dying but the truth is, you are wide awake, feeling the pain in you chest. It is the worst feeling I’ve ever felt.

“I have to go,” sabi ko at pilit kong pinasaya ang aking ekspresyon. Alphonse quickly glanced at me at nginitian ko ito.

“Ingat,” sabi nito at pilit na pumeke ng ngiti.

I slowly turned my back at mabilis akong naglakad papalayo mula sa kinatatayuan ni Alphonse. I just felt like he needs to be alone with himself or with Angel.

Everything couldn’t get any better unless Angel would wake up from her hospital bed and put that big smile on her face which she used to put on. I missed my best friend so much. I am also hurting like everybody else. I also need to be alone with myself with the happy memories of her within me.

Memories are the best of all things we, humans, have because when everything around us are constantly changing it is the only thing which stays the same. However, it is also the worst thing because when everything is gone from our grasp lingers the questions of what ifs and regrets.

The Break Up Plan (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon