Plan #3: Jean

876 17 1
                                    

---------------------------

Pagkapasok ko sa office ay agad akong dumiretso sa aking desk para ayusin ang aking mga gamit. Syempre, matagal tagal din akong nawala sa trabaho dahil ako nga ay naka on-leave at kahapon lang ay official na natapos and period ng aking mahabang bakasyon. Hindi naman ako ang may gusto na magbakasyon muna ako. Actually si Alphonse ang ang nagpilit na I should take a vacation, kahit na ayaw ko ay nakikita naman daw niya ang productivity of my work that is really declining, so wala akong nagawa kundi ang mag file ng leave sa trabaho. Mabuti na lamang ay nariyan si Angel, ang aking nag-iisang best friend na sumalo ng lahat ng mga naiwan kong trabaho habang wala ako.

Umupo ako sa upuan na nasa likod ng aking desk. "Good morning girl," energitic na bati sa akin ni Angel habang ito'y marahang naglalakad papalapit sa desk ko.

"Good morning din sayo," I greeted her with a smile on my face.

"Kanina ka pa sa akin hinahanap ni Mister Nice Guy," sabi ni Angel tapos sabay itong sumandal sa desk ko. Kahit na busy akong inilalagay at inaayos ang mga gamit ko sa dati nitong kinalalagyan ay hindi ko naiwasan na mapatingin sa kanya with my puzzled expression.

"Mister nice guy?" I looked intently at her face then I slowly frown.

"Si Architect Benjo," she said flatly.

"Bakit naman niya ako hinahanap?"

Inilagay ko sa table ang isang picture frame na may litrato sa loob at saka ako tumingin sa kanya. Nakita ko itong nagkibit balikat.

"Hindi ko alam, basta tinanong lang niya ako kanina kung dumating ka na," she stood in a straight body posture. Tinignan niya ako at dahan dahan na inilipat ang kanyang tingin patungo sa hawak hawak kong picture frame. Hindi ko kasi maayos ito kaya tinignan ko ang likod nito baka naman ay nasira na.

"Ano ba yang ginagawa mo?" she curiously asked.

"Nag-aayos ng gamit," I answered.

"Patingin nga niyan." Mabilis niyang inagaw ang litrato na hawak hawak ko. Nang makita niya ito ay biglang nag-iba ang timpla ng mukha niya. She glanced at me.

"Ano 'to Jean?" she asked curiously with her eyes locked on mine. Kung nakakamatay nga lang ang mga tingin ni Angel siguro, pinaglalamayan na ako ngayon.

I blink. "Litrato?" I answered but in a questioning manner.

She heaved a deep sigh. "Sabi mo naka-move on ka na? Eh ano 'to? Bakit narito pa rin 'tong litrato ni Max?" sunod sunod niyang tanong. Hawak-hawak niya ang picture frame sa eri. Habang tinitignan ko siya ay nakikita ko na lumalabas ang pagkamataray niya. Hindi ko naman siya masisi dahil kaibigan ko siya at alam kong concerned lang ito sa akin.

"Naka-move on na ako," I paused as I try recollect the thoughts inside my head. "Pero aaminin ko din naman sayo na, malaki ang parte sa buhay ko ang alaala ni Max na hindi kayang pantayan ng kahit na sinong lalaki man ang dumating pa sa buhay ko," dagdag ko pa.

"Nagsasalita ka ng patapos girl ah, hinay-hinay baka kainin mo 'yang mga salita mo," she smiled at me before she finally spoke again. "Just an advice, always keep your words sweet and soft, just in case you have to swallow it."

Napatingin lang ako sa kanya. Dahil sa mga sinabi niya ay gusto kong tumawa, mabuti na lamang ay may lakas pa akong pigilan ang sarili ko kundi hahagalpak talaga ako sa kakatawa at sasabihin sa kanya ang linyang palagi kong sinasabi sa kanya, Joker mo talaga bes, bet ko yan.

Bumalik na si Angel sa kanyang desk, inilagay ng maayos ang picture frame sa ibabaw ng desk ko. Ako naman ay bumalik sa pag-aayos ng aking mga gamit. At dahil sa matagal akong nawala ay may mga katrabaho akong hihinto sa harap ng desk ko at chichikahin ako. Kaya ang resulta ay hindi ako matapos-tapos sa ginagawa ko.

"Ahm, excuse me Ms. Santos, I mean Engineer Santos," sabi ng lalaki, na-may pagkapormal ang tono ng boses, na bigla na lang sumulpot sa harap ng desk ko. Without looking ay agad kong na-recognize ang boses niya.

"Good morning," bati ko kay Benjo ng makaharap ako sa kanya. I stopped what I was doing.

"Good morning din," sabi niya na parang nahihiya at hindi makadiretsong tingin sa akin.

"So, what brought you here with me, Mr. Fuentes?"

Tumingin ito sa kanyang kamay na may hawak hawak na nakarolyong papel.

"Itatanong ko lang sana... yung... plano about sa project? May nagawa na kasi akong draft, I wonder if puwede mong tignan" I frowned while looking at him. I try to decipher what's the reason behind why he's acting so weird.

"Ah 'yong plano? Sige, next time na, may ginagawa pa kasi ako." diresto kong sabi habang inaayos ko ang mga naka-folder na papel sa rack. Nakita ko siyang inikot ang kanyang tingin sa workplace ko.

"Okay lang, tulungan na lang kita para hindi ka na mahirapan." I caught his smile as he jerked his arm. It was beautiful, I think. Ngayon ko lang napansin na ang guwapo pala niya habang tinitignan ko siya sa kanyang mga mata.

Sometimes, beauty isn't in the features on our face, but real beauty is what inside the doors of our soul - in our eyes.

"Hindi... Huwag na... May gagawin ka pa ba diba?" Pautal kong sabi as I raised an eyebrow.

I saw him smile as he nod towards me. "Sige, balik na ako sa desk ko," he said as he turned his back and slowly walked away from me.

Agad kong binalik ang aking atensyon sa pag-aayos sa mga gamit ko na hindi ko matapos-tapos kaya sana naman ay walang ng mag-istorbo sa akin para naman ay matapos ko na ito.

------------------

"Kumusta naman 'yong pagiging secretary mo?" tanong ko kay Angel ng mailapag ang in-order namin sa mesa.

"Napaka-demanding ni sir Alphonse, kung maka-utos walang hingahan girl," sabi niya sabay kinuha ang kutsara at tinidor na nasa tray. "Kung hindi lang talaga siya guwapo, naku, matagal ko ng inayawan ang trabaho ng pagiging temporary secretary niya."

"Eh, na san ba kasi si Eyra? Ang taga ng secretary noon ni Alphonse, nag-resign na ba 'yon habang wala ako?" sabi ko habang dahan-dahan na hinihiwa ang steak na nasa aking plato.

She glanced at me. "Ang alam ko nagpaalam kay Alphonse na magbabakasyon daw muna," sabi ni Angel ng malunok niya ang kanyang kinakain.

"Ah, by the way, musta naman sila no'ng boyfriend niya?" I asked while as the chew food inside my mouth.

She frown. "Bakit mo ba sa akin tinatanong? Kung ako sayo kausapin mo yung author, dahil ang alam ko ay may sarili 'yong kwento, kaya mag-focus muna tayo dito, at sa love story namin ni Alphonse."

I looked at Angel while I slowly chew the meat inside my mouth. I looked at her quizzically before I finally said something.

"Hindi ba may girlfriend na si Alphonse?" I said as I take sa sip on my drink.

She swallowed before she spoke. "Girl, tiwala lang, hanggang sa hindi pa sila nakakasal may pag-asa pa ako kay Alphonse, malay mo maakit ko pa siya," she said as if reassuring something in the back of her mind.

"Alam mo, kung ako sayo hindi mo na ipagpapatuloy 'yan. Masarap umasa Angel, lasang tanga. Tignan ko lang kung di ka magmukhang dakilang tanga kakahabol kay Alphonse niyan."

"Ang sakit mo naman magsalita parang hindi kita kaibigan" she said.

Maya-maya habang busy kami sa pagkain ni Angel ay bigla na lang tumunog ang kanyang cell phone na nasa loob ng kanyang bag. I saw her fished out her phone from her bag.

"Excuse me bes, sagutin ko lang,"

I nod as a sign of my approval. Agad siyang tumayo at naglakad ito palayo. Hindi rin nagtagal ay agad itong bumalik sa table namin kung saan kaming dalawa naka-upo at busy na kumakain kanina.

"O, ano sabi?' tanong ko ng makaupo ito sa kanyang upuan sa kaharap ko.

"Pinababalik na ako ng office, kailangan daw niya ako do'n," sabi nito. Mabilis nitong inubos ang pagkain na nasa plato pa niya at uminon ng tubig.

Mabilis itong nag-ayos ng sarili. "Tara na," sabi nito.

I stood up as I gather my things. At ng maayos na naming ang mga sarili namin ay agad kaming naglakad palabas sa resto at bumalik na ng office.

The Break Up Plan (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon