MDG 2

570 28 0
                                    

Seth's POV

Sinong matutuwa kung tinransfer ka pa ng skwelahan sa kalagitnaan ng sem?

Siyempre ako.

New school means new classmates and new classmates means---alam niyo na 'yon. Sino ba ang hinahanap natin tuwing first day? Magaganda at Gwapo.

Lalabas na sana ako ng bahay nang nag-ring ang telepono. Bagsak balikat akong pumasok ulit sa loob.

"Hello?"

"Where are you?"

"Obvious na nasa bahay pa dahil telepono ang gamit ko. What's with the call ba?" Napapakamot na 'ko sa aking ulo dahil sa inip.

"Wala pa ring galang----itatanong ko lang kung papasok ka na ba?"

"Gusto mo pa bang ivlog ko ang pagpasok ko ngayong umaga para lang maresibuhan na papasok talaga ako?"

"Tsk! Tsk! Hindi ko na nagugustuhan ang tabas ng dila mo tuwing kausap ako ah. Tatay mo pa rin---"

"Bye,Daddd" pinahaba ko talaga ang pagsabi nun para maasar siya.

My life was an almost perfect life. Lagi kong nakukuha ang lahat. Atensyon lang ng magulang ko ang hindi ko makuha. My Dad is always busy with our business and my Mom is busy with her new family. Funny,right?

Kaming dalawa nalang ng Daddy ang nakatira sa bahay pero nagdesisyon akong humiwalay nalang ng bahay. I never wanted this situation,hindi ko naman hiningi pero bakit binigay?

Sinuot ko ang shades ko,tumingin ako sa side mirror at kumindat sa sariling repleksyon. Ang gwapo talaga.

Nilakasan ko rin ang tugtog sa loob ng sasakyan. Napapa-headbang pa ako dahil sa beat.

Masyadong traffic dito sa tollgate ng crossing kaya maaga akong umaalis ng bahay eh! Daig mo pa ang lumuwas sa Maynila sa bagal ng usad. Magpapabili na nga ako ng motor para madaling makasingit.

"Oh,please!" Napahampas ako sa manubela ng ako na dapat ang aabante nang sumenyas ang enforcer na tumigil muna at pinauna ang mga nasa kanan. Tinaas ko ang gitnang daliri ko sa kaniya kahit hindi niya nakikita. Tinted naman ang sasakyan.

Pinapakalma ko nalang ang sarili sa pakikinig ng music,bumabaling-baling pa sa kaliwa't kanan ang ulo ko na akala mo'y sobrang dinaramdam ang kanta.

Music gives me life dahil sa mga kanta,kumakalma ako.Kulang na nga lang ay gawin kong girlfriend ang mga kanta.

Mabilis akong natigilan at hindi nakagalaw sa kinauupuan ng may humintong naka motorsiklo sa tabi ng sasakyan ko. Walang espesyal doon pero pamilyar ang babaeng nakasakay na kulay blue ang suot na damit. Kahit naka helmet siya ay kitang-kita ko ang mukha niya dahil nagsasalamin ito sa bintana ng sasakyan ko!

Mabilis kong binuksan ang katabing bintana at gulat na gulat ang itsura niya. Ano? Salamin pa!

"Hi,MDG!" Kumindat ako at sinampay ang siko sa nakababang bintana.

Nang hindi siya makapagsalita ay dinungaw ko ang nasa likuran ng motor niya.

"Pahingi naman ng pizza" tinaas baba ko pa ang kilay ko para mang-asar.

At nang matapos na siya sa pagtitig sa'kin ay unti-unting nangunot ang noo niya na parang nakikilala na ako. Hanggang sa rumehistro ang masamang tingin.

"Psh!" At binalik na niya ulit ang paningin sa daan. Ang sungit.

"Alam mo bang nakuha ko ang number mo, MDG?" Tanong ko kahit hindi naman ata siya interesado.

My Delivery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon