Kaori's POV
Ang dami ko ng problema sa buhay,dadagdag pa 'tong lalaking 'to.
Lintek na pizza naman oh!
"Malayo pa ba?" Inis na tanong ko. Kanina pa kami naglalakad, ni hindi naman matunton kung saan ba talaga 'yong room niya!
"Huh? Nalagpasan na natin ah!" Sabi niya at huminto sa harap ko.
"Ano?! Anak ng---ano 'to Fieldtrip?Free tour sa building niyo?"
Pinipilit kong huwag mainis sa kaniya simula pa kanina. Sinasakyan ko pa ang trip ng isang 'to hanggang sa abot ng kaya ng pasensya ko pero nasasagad na talaga.
"Nag-enjoy ka kasing kasama ako kaya hindi mo na tinitingala yung room numbers. Nalibang ka masyado, MDG"
Abnormal.
Hindi na ako nakasagot dahil pumasok siya bigla sa isang room.
Room 104
Nanatili lang ako sa labas. Hindi naman kasi ako pinapasok!
"Sinong nag-order ng pizza?" Kumunot ang noo ko sa pag-iba ng tono ng boses niya. Masyadong malamig. Halatang walang emosyon.
Kaya sumilip ako ng konti at nakitang poker face siyang nakaharap sa lahat ng classmates niya na natahimik.
"Mahirap bang sagutin ang tanong ko?" Napatalon sa gulat ang iba ng pabagsak niyang nilapag ang dalawang box ng pizza sa teacher's table. Artista na siya niyan?
Ano bang ganap niya?
Napapikit nalang ako at kumatok. Mukhang gagawa pa ng eksena 'tong lalaking 'to.
Ako na ang nagbukas ng pinto at nakangiting pumasok.
"Pinapasok na ba kita?"
Anak naman ng pizza oh! Bakit ba nagsusungit 'to? Nakakawala ng ngiti sa labi ah!
"Pizza delivery for Aira Santos?" Pagtawag ko sa atensyon nung umorder. Bakit ba kasi ang dami ng inorder niya? Anim na box? Fiesta ba sa room nila?
Lahat ay naglingunan sa babaeng nasa gitna na masamang nakatingin sa 'kin. Teka, anong ginawa ko sa kaniya?
Nakangiti nalang akong lumapit sa kaniya at nilapag ang mga pizza. Siyempre, nakamata sa 'kin ang buong klase. Lintek na pizza talaga! Kapal kasi ng mukha kong pumasok eh.
"Pa-sign nalang po, Ma'am" pahablot niyang kinuha sa kamay ko ang ballpen at pumirma.
"Thank you po! Enjoy po sila" tumalikod na ako at naglakad patungong pinto. Nadaanan ko si lalaki at inangasan ko siya. Pansin kong magrereact sana siya sa 'kin pero ang tibay, in character pa rin! Psh!
Nang makalabas ako ay tuloy-tuloy na ako sa paglalakad para makaalis na sa lugar na 'to.
"MDG, wait!" Napapikit nanaman ako sa inis dahil narinig ko nanaman ang boses niya. Sumunod pa talaga.
"Ano?" Mabilis siyang nakalapit sa 'kin.
"I'm Seth Seventin Zaragosa" napatingin ako sa kamay niyang nakalahad sa harap ko.
"Tinanong ko ba?" Napaiwas ako ng akma niya 'kong susuntukin! May sira ba ulo nito?
"Tss! Malamang nagpapakilala ako kaya magpakilala ka rin---ganito oh" kinuha niya ang kamay ko at hinawak sa kamay niyang nakalahad.
"Ngayon, sasabihin mo na ang pangalan mo" utos niya. Mukha bang hindi ko alam ang shake hands at pagpapakilala??
Hindi agad ako makasagot dahil nakatingin lang ako sa kamay naming magkahawak.
BINABASA MO ANG
My Delivery Girl
FanfictionSiandria Kaori Fuente is a delivery girl from this pizza shop called, Circle In A Box. A man hater? Maybe. A ghost from the past? Yes, her Dad. But one day, she went in to this house to deliver a box of pizza and saw a man named Seth Seventin Zarago...