MDG 16

302 12 1
                                    

Stay lowkey for this chapter.

Seth's POV

We've spent another 2 days in hospital because the doctor required us to. Hindi na bumisita pa si Daddy magmula nang huli naming pag-uusap.

Ayoko ng nangyari at wala namang may gustong mangyari rin 'yun. Suwayin ko na ang lahat huwag lang ang pagmamahal. I've never been inlove like this before, hindi ko pa ba ipaglalaban?

Isa pa sa mga hindi ko maintindihan ay ang palaging pagbisita rito ni Mommy at laging kinakausap si Kaori at nagtatanong ng kung anu-ano. By just looking at them, ramdam kong gusto ni Mommy si Kaori at hindi ko 'yun inaasahan.

"I 'am very sorry for hearing your story, Kaori"

"Sia nga sabi" pag-correct ko. Ako nga lang ang pwedeng tumawag sa kaniya ng Kaori.

"Uh, Sia pala" pag-ulit ni Mommy.

Naikwento kasi ni Kaori ang buhay niya kay Mommy. See? Parang sila pa ang mag jowa dito dahil sa getting-to-know-each-other nila. May ibang butas ng storya ang hindi pa naikukwento sa 'kin ni Kaori pero nasabi niya ngayon.

"May kontak ka pa ba sa Tatay mo?" Ngumiti lang si Kaori at umiling.

"Magmula nang talikuran niya po kami, tinalikuran ko na rin siya kahit labag sa loob ko. Noong naghihirap kami wala siya, noong nagkanda leche-leche ang buhay hindi siya sumuporta, at noong nawala si Nanay ni hindi man lang siya tumulong at bumisita. Kailanman hindi siya naging Ama" bakas na bakas ang galit sa pananalita ni Kaori ngayon at gusto ko siyang pigilan sa nararamdaman niya.

"Ever since hindi mo siya nakausap?"

"Mom." Suway ko sa Nanay ko.

"Nakausap ko po siya pero wala ring nangyari. Ayoko ng maulit pa 'yun.Sino ba namang anak ang gugustuhing ipagtabuyan ng Ama niya, hindi po ba?" Puno ng hinanakit ang boses ni Kaori. Halu-halong emosyon ang nakikita sa mata niya, nangungulila, nagagalit, nalulungkot.

"Masama mang pakinggan pero minsan sumagi na sa isip ko na bakit si Nanay pa ang nawala at hindi nalang siya?" Natigilan ako sa sinabi niyang 'yun. Hindi ko aakalain na lalabas mismo sa bibig niya ang mga salitang 'yan.

"Sia, iha, tayong mga tao ay walang karapatan na manghusga lalo na't anak ka at Tatay mo siya" sagot ni Mommy.

Ni hindi ko na alam kung saan ako babaling ng tingin! Palitan sila nang palitan ng salita at sagot.

"You should always look back for what happened in the past for you to remember that there's always a reason why everything is happening right now and what will happen in the future" nakita ko ang pag-iwas ng tingin ni Kaori at ang pagpatak ng luha niya.

"Tama si Mommy, Kaori" sabay silang napatingin sa 'kin, lalo na si Mommy na mukhang nagulat sa pagsang-ayon ko sa kaniya.

"Baka kasi ang nakikita lang natin ay kung ano ang nasa harap at nakakalimutan nating tignan kung ano ba ang nasa likod..." tumingin ako kay Kaori.

"Malay mo may isang napakalaking dahilan pala ang Tatay mo"

"Kung may dahilan siya, sana noon pa niya sinabi dahil kaya ko naman siyang intindihin"

Inaalalayan ko siya paakyat ng hagdan, nakahawak ako sa bewang at siko ni Kaori dahil hindi pa siya makapaglakad ng maayos at ganoon din naman ako.

"Seth, may elevator naman" sabi niya ng nasa kalagitnaan na kami ng hagdan papuntang rooftop.

"Mas romantic kaya 'to"

"Alin? Ang humakbang sa mga baitang na 'to? Wow ah!" Natawa nalang ako sa reklamo niya at nagpatuloy sa pag-alalay.

My Delivery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon