Kaori's POV
Simula ng nangyari, hindi ako pinayagang lumabas ng bahay ni Seth kahit nagagalit na ako sa kaniya. Walang araw na hindi kami nag-aaway dahil sa bagay na 'yan.
"Huwag kang lalabas ng shop niyo" dagdag niya sa paalala.
Pero ngayong araw ay pinayagan niya 'kong magtrabaho since hapon na at bagot na bagot na 'ko dito sa bahay niya. Laking tuwa ko pa nang pumayag siya kanina, tumalon ako at niyakap ko siya.
"Opo" sagot ko habang nag-aayos.
"Bago na ang sim card mo, hindi ka na matetext o matatawagan nun pero kapag nararamdaman mong may kakaiba sa paligid mo, tawagan mo 'ko agad" tumayo siya mula sa upuan at nilagay sa lababo ang mug ng kapeng ininuman niya.
"Opo" sagot ko ulit habang nagsusuklay na.
"Hanggat hindi ako dumadating, huwag na huwag kang lalabas ng shop maliwanag ba?" Saktong tapos na 'kong magsuklay nang pabagsak ko itong binitawan.
"Seth, pwede ba? Huwag mo 'kong masyadong alalahanin. May sariling katawan ka rin at baka nakakalimutan mong dalawa na tayong nanganganib dito? Protektahan mo rin naman ang sarili mo, okay?" Padabog kong hinablot ang bag at nagmartsa na palabas ng bahay. Nauna akong sumakay sa sasakyan niya at nakita kong nakasunod siya, nakasimangot na sumakay rin.
Pinaandar niya ang sasakyan at nagsalpak ng headphones. Hinarap ko ang ulo ko sa salamin para hindi ko siya makita dahil baka lalo kaming mag-away. Nasasanay na 'ko sa ganito.
Nitong mga nakaraang araw parang may dinadaing siya palagi sa katawan niya pero halatang hindi niya pinapahalata sa 'kin. Pinagmumulan din 'yun ng away namin dahil sa tuwing tinatanong ko siya kung may masakit ba sa kaniya ay iniiba niya ang topic.
Bago itong sasakyan niya, pinalitan ng Daddy niya pagkatapos ng nangyaring aksidente. Hanggang ngayon ay iniisip ko ang Daddy ni Seth, kung bakit sinisisi niya 'ko sa nangyari.
Nauunawaan kong ako ang pakay ng mga 'yon at nadamay lang si Seth pero ano ba namang malay ko sa nangyari 'di ba? Hindi ko naman alam na mangayayari 'yun at kung alam ko lang, pinauna ko ng umalis si Seth na alam kong hindi rin niya gagawin kasi hindi niya 'ko iiwan.
Hindi ako gumalaw sa puwesto ko nang itabi niya ang sasakyan at tinanggal niya ang headphones na nakasalpak sa tenga niya.
"Let's talk" usap nanaman.
"Kaori humarap ka sa 'kin mag-uusap tayo" humarap ako.
"Wala nanaman ba 'kong choice kapag nagsalita ka na?" Bumagsak agad ang balikat ko sa naitanong. Nitong mga nakaraamg araw ay ang bilis ko ng mainis kay Seth dahil sa ginagawa niya. Bawat galaw ko kasi pinapanood niya at nililimitahan niya 'ko---which is actually the right thing to do. Pero napapansin ko kasing sumusobra.
Napahilamos ako sa mukha ko. Humarap ako sa harap at yumuko.
"Lagi kong sinusunod 'yung mga sinasabi mo. Ni minsan hindi ako nagreklamo kahit labag 'yun sa desisyon ko. Gusto ko ng pumasok, gusto kong lumabas, gusto kong magtrabaho--" humarap ako sa kaniya.
"Gusto kong ibalik 'yung dati. 'Yung mga dating ginagawa ko kasama ka..." siguro sumabog nalang din ang nararamdaman ko ngayon.
"Seth, naiintindihan kong ayaw mo 'kong mapahamak at 'yun din ang gusto ko sa 'yo. Pero please, hayaan mo 'kong gawin ulit ang mga ginagawa ko noon"
"Nasasakal ba kita?"
"Hindi! Hindi, okay?" Todo tanggi ko.
"Seth, hindi mo ko nasasakal. Alam kong mahal mo 'ko kaya mo nagagawa 'yun at mahal din naman kita. Huwag mo lang sobrahan ang paghihigpit sa 'kin okay? Pwede naman tayong mag-ingat ng sabay" hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi at pinagdikit ang mga ilong namin.
BINABASA MO ANG
My Delivery Girl
FanfictionSiandria Kaori Fuente is a delivery girl from this pizza shop called, Circle In A Box. A man hater? Maybe. A ghost from the past? Yes, her Dad. But one day, she went in to this house to deliver a box of pizza and saw a man named Seth Seventin Zarago...