MDG 25

235 6 2
                                    

Seth's POV

"....Seth" naalipungatan ako sa kanina pa tumatawag sa pangalan ko.

"Seth gumising ka na" sapat na lakas lang 'yon para ako lang ang makarinig at alam na alam kong kay Kaori nagmumula ang boses na iyon.

Nang maidilat ko na ang mata ko ay magulong paligid agad ang bumungad sa akin. Mga sirang gamit at puro kahon.

"Seth" kasabay ng pagtawag niya ay ang pagkalansing ng isang kadena at halos takasan ako ng bait nang makitang nakakadena ang mga paa ni Kaori at pilit niya akong inaabot.

"K-kaori" pinilit kong abutin siya pero bigla akong natumba dahil nakakadena rin pala ang mga paa ko at mas maliit ang haba nito kaya hindi kami magpang-abot ni Kaori.

"T-tama na, masasaktan ka lang" pero sinubukan niya ulit akong abutin kaya nadapa siya.

"Kaori makinig ka..." mukhang hindi niya ko pinapakinggan dahil patuloy siya sa pag-abot sa 'kin.

"Kaori!" Mahinang sigaw ko para tumigil siya.

"Kailangan mong makatakas dito, okay?---"

"Kasama kita!" Tumigil na siya sa pagtayo at nag-indian seat kaya ganoon na rin ang ginawa ko.

Hindi ako makatingin ng maayos dahil umiiyak siya. 'Yon 'yong kahinaan ko, 'yong makita siyang umiiyak.

"Hindi. Kailangan mong mauna para makahingi ka ng tulong, para malaman nila ang nangyari. Balikan mo nalang ako Kaori"

"Nasisiraan ka na ba? Hindi kita iiwan dito! Sabay tayong aalis, Seth" napahinga ako ng malalim. Magsasalita na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at mag-isang pumasok doon si Abran.

"Hayop ka, Abran!! Bakit kailangan niyo pang gawin 'to?" Nakalimutan kong nakakadena pala ang paa ko kaya pinigilan ko ang sariling sumugod.

Dinakma niya 'ko sa balikat at nilapit sa kaniya.

"Sige! Ngayon ka maging matapang!" Seryosong-seryoso ang mukha nito at nanlilisik ang mga mata.

"Ngayon mo gawin 'yan lalo na't hindi ka nag-iisa dito" pagkabitaw niya sa 'kin ay lumapit siya kay Kaori.

"Layuan mo siya Abran!!" Hindi ko na iniinda ang sakit ng paa ko dahil sa kadena. Ang gusto ko lang gawin ngayon ay makalapit kay Kaori at protektahan siya.

"Wala pa akong ginagawa, nagwawala ka na?" Ngumisi ito kasabay ng pagsigaw ni Kaori dahil tinayo siya nito sa pamamagitan ng paghatak sa buhok.

"Abran!!" Gigil na gigil na 'kong makawala!

"Anong pakiramdam na 'yong kaisa-isang tao na pinoprotektahan niyo ay hawak ko na ngayon?"

"Ahh!!" Hinatak nanaman kasi nito ang buhok ni Kaori.

"Walanghiya ka, Abran! Lumaban ka ng patas! Pakawalan mo na kami at hayaan mo ng umalis ang Tatay niya sa inyo! Napakahina mo naman para hindi maiangat ang organisasyon niyo? Matapang ka lang kasi maraming sumusunod sa 'yo!" Pagkatapos kong sabihin 'yun ay tinginan ako ni Kaori na parang sinasabi na huwag na 'kong magsalita.

"Ang dami mong satsat!" Tinulak niya si Kaori at malakas na bumagsak ito sa sahig at mabilis na dumapo ang kamao niya sa mukha ko.

"Seth!"

"Ngayon natin subukan ang lakas mo!" Tinayo niya 'ko at pinaulanan ng suntok. Hindi ako umiinda dahil maririnig ni Kaori at lalo lang siyang masasaktan.

"Hindi na kayo makakalabas ng buhay pa dito!" Hindi ko na alam kung saan na tumatama ang suntok niya sa katawan ko. Ang alam ko lang ay namamanhid na ang bawat parte nito ang walang tigil na pagmamakaawa ni Kaori.

My Delivery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon