Seth's POV
Maaga akong umalis ng bahay dahil pagkatapos akong babaan ng telepono ni MDG kagabi ay may biglang tumawag. Ang Nanay niya.
Sinabi niya na pinuslit niya ang cellphone ni MDG para kuhanin ang number ko at mag-usap kami. Maaga niya 'kong pinapunta sa kanila dahil alam daw niyang gigising din ng maaga si MDG para makinig sa pag-uusap namin.
Kabado ako habang tinatahak ang daan papunta sa kanila. Para akong iimbestigahan ng mga pulis! Mabuti nalang talaga at gwapo ako para less hassle na rin.
Saktong 4AM ay nakarating ako sa bahay nila. Nagulat pa 'ko nang makitang nakatayo na sa labas ang Nanay ni MDG at nakasuot ng jacket.
"Good Morning po" yumuko ako at nagmano.
"Magandang umaga rin. Tara sa loob" sumunod ako sa kaniya at pagkapasok ay pinaupo niya agad ako.
Sa kakalunok ko ay naubos na ata ang laway ko. Pati ata ngala-ngala ko nagvovolunteer ng malunok dahil sa kaba ko eh!
"Hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa..." dumoble ang takbo ng mga kabayo sa puso ko! Send help!
"Kung wala kang balak pakasalan ang anak ko, ihinto mo na ang panliligaw mo"
Unti-unti ay humupa ang kaba sa dibdib ko dahil kilala ko ang sarili ko. Alam kong makakasagot ako ng maayos at mula sa puso.
"Kasi bakit mo pa susuyuin kung hindi mo naman sasamahan habang-buhay? Kung hindi mo naman siya nakikita bilang asawa mo?" This time, pinili kong makinig muna. Makikinig ako dahil kailangan.
"Ang hirap kasi sa mga kabataang katulad niyo, ang hilig mag-eksperimento, ang hilig magmadali hindi matutong maghintay, ang hilig manligaw hindi naman pinapanindigan, puro tira kahit walang bala. Sabihin mo nga sa 'kin iho, bakit ganiyan ang pananaw ng karamihan sa inyo sa pag-ibig?"
Bigla-bigla namang nagtatanong si Nanay eh! Hindi ako nagreview!
I cleared my throat and answered,
"Siguro po kasi 'yun ang nakikita nila sa iba? Kasi po kahit hindi pa naeexperince ng puso natin, naeexperience na ng mga mata natin. Nakikita po siguro nila ang pagmamahal as pangmabilisan. Marami na ho kasing nakikisabay sa uso ngayon kaya pati ang pagpapakita ng pagmamahal ay nagmumukha ng pasikat"
"Ako ang nalulungkot para sa henerasyon niyo. Mabalik tayo sa 'yo.." humigpit nanaman ang hawak ko sa dulo ng polo ko.
"Nanliligaw ka ba kasi may balak kang pakasalan ang anak ko?"
Sumagod ako agad.
"Wala ho akong ibang nakikitang dahilan kung bakit nililigawan ko ang anak niyo kung 'di ang maging asawa siya balang araw"
Nagkatinginan pa kaming dalawa hanggang sa ngumiti siya. 'Yung ngiti na alam mong tuwang-tuwa.
"Aasahan ko ang binitawan mong salita, Seth. Huwag mo sanang sukuan ang anak ko, nalilito pa 'yun sa nararamdaman niya pero alam kong sa 'yo rin ang bagsak nun"
"Si Tita naman oh" abot tenga ang ngiti ko at napapahawak ako sa batok dahil sa hiya.
"Sus! Nanay nalang din ang itawag mo sa 'kin..." hindi na ata mabubura ang ngiti sa labi ko.
"Basta, Seth, ipangako mo sa 'kin na hihintayin mo ang anak ko. Hindi mo siya sasaktan at lagi niyong pipiliing intindihin ang isa't isa sa mga pagdadaanan niyong problema. Ipangako mo, Seth" mabilis na nawala ang ngiti sa labi ko pero naiwan ang isang tipid na ngiti.
BINABASA MO ANG
My Delivery Girl
FanfictionSiandria Kaori Fuente is a delivery girl from this pizza shop called, Circle In A Box. A man hater? Maybe. A ghost from the past? Yes, her Dad. But one day, she went in to this house to deliver a box of pizza and saw a man named Seth Seventin Zarago...