Kaori's POV
Pagkahatid sa akin ni Seth sa trabaho ay umalis na rin siya agad. Nakakapanibago dahil hindi muna siya nag-stay dito ng ilang minuto katulad ng lagi niyang ginagawa.
"Sia! May tawag na!" Inayos ko agad ang sarili ko at pumunta sa counter para kuhanin ang mga listahan ng nag papadeliver.
"Marami-rami ngayon ha?" Sabi ko kay Tia habang binabasa ko ang mga nasa papel.
Sampung bahay ang pupuntahan ko.
Habang hinihintay ko na matapos nilang ikahon ang mga order na pizza ay nagtanong si Tia sa 'kin.
"Pinayagan ka ng mag-motor ulit?" Tumango nalang ako.
"No offense, Sia ah, pero bakit ka nagpapa-under sa boyfriend mo?" Napalingon agad ako sa kaniya nang tanungin niya 'yun.
Parang biglang naapakan ang pagkatao ko.
"Ayoko lang talagang mag-away kami" ngumiti ako kahit pilit.
"Una na 'ko" kinuha ko na ang mga pizza at sinakay na sa likod ng motor.
"I miss you, my friend" tinapik ko pa ang pwetan ng motor bago ako sumampa at umalis.
Nakakamiss naman palang lumanghap ng usok.
Nasa huling bahay na ako ng bigla akong harangin ng isang sasakyan. Napahinto ako at kinabahan. Ililiko ko na sana ang motor ng bumusina ito at binuksan ang bintana.
"Kaori, wait!" Pagkalingon ko ay nakita ko si Rhys. Nilapit ko ang motor at tinanggal ang helmet.
"Oh, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"You're just in time to deliver my pizza" ngumiti ito ng malawak at tinuro ang bahay na nakikita ko ngayon.
"B-bahay niyo 'yan?" Manghang sabi ko.
Kulang nalang ay tawagin itong mansyon sa laki. Ganito 'yung pinangarap kong klase ng bahay eh. 'Yung malaki at karapat-dapat na ipagmalaki dahil nakapag-pundar ka ng ganiyang bahay.
"Yes. Wanna go inside?" Bumalik ang tingin ko sa kaniya.
"Ha? Hindi na, kailangan ko rin kasing bumalik dahil may trabaho pa 'ko" bumaba na ako ng motor at kinuha ang order niyang pizza sa likod.
"Oh. Three boxes of pizza, thank you for trusting CIAB" ngumiti ako at sumampa na ulit sa motor. Kinuha niya ang wallet at inabot na sa akin ang bayad.
"You're always welcome! Bukas ulit" mabuti nalang at naisuot ko na ang helmet dahil hindi niya nakita ang pagkunot ng noo ko.
"S-sige, una na 'ko" may kakaiba talaga sa mga tingin ni Rhys sa 'kin eh. Nababahala na ako.
Mabilis akong nakabalik sa CIAB at sinalubong ako ni Jelay. Babatiin ko na sana siya nang hatakin niya ako papunta sa CR.
"Hindi mo man lang ako pinag pahinga muna" reklamo ko.
"Saglit lang naman! I-comfort mo muna ako" lumungkot ang mukha niya kaya medyo nag-alala ako.
"Ano bang nangyari?"
"Feeling ko ang sama-sama kong babae. Ang choosy ko pagdating sa lalaki" halatang inis na inis siya sa sarili niya at napapapadyak pa siya.
"Ano bang nangyayari sa inyo ni Kurt, ha?" Direktang tanong ko.
"Feeling ko kasi hindi kami nagkaintindihan dahil sa sinabi ko"
"Ano bang sinabi mo?"
"Na may standard ako pagdating sa lalaki at unti-unti ko namang nakikita sa kaniya yun----ano bang mali sa sinabi koooo?" Parang bata talaga magmaktol 'to.
BINABASA MO ANG
My Delivery Girl
FanfictionSiandria Kaori Fuente is a delivery girl from this pizza shop called, Circle In A Box. A man hater? Maybe. A ghost from the past? Yes, her Dad. But one day, she went in to this house to deliver a box of pizza and saw a man named Seth Seventin Zarago...