Seth's POV
Pagkatapos umalis ni MDG ay napasabunot nalang ako sa buhok.
"Argh! Ano bang pinagsasabi mo, Seth!" Pinukpok ko pa ang ulo ko dahil sa inis.
Bakit napakadali lang sa 'king sabihin ang mga 'yon? Para akong sinaniban ng isang malanding espirito at nagawa kong sabihin ang nararamdaman ko!
Hindi ko pa siya mahal. Alam ko 'yon pero alam ko ring malapit ng pumunta sa pagmamahal 'tong nararamdaman ko!
"Seth, ayos ka lang ba?" Natigil ako sa pag-iling nang makitang nakatingin na pala sa 'kin lahat ng yaya ko. Umarte akong inosente sa harap nila at tumayo.
"U-uh, opo, opo. Akyat na po ako----aray!!" Kamalas-malasan pa ay tumama ang hinliliit ko sa paa sa kanto ng paanan ng lamesa kaya halos mamilipit ako sa sakit.
"Oh, iho, ayos ka lang ba?" Lumapit agad si Manang pero tinaas ko ang kamay ko para sabihing ayos lang ako.
"A-yos lang po. Kumain na po kayo diyan" at dire-diretso na 'kong umalis sa kusina dahil sa kahihiyan.
Pagkapasok ng kwarto ay patalon akong humiga sa kama at tinitigan ang kisame. Naghahanap ng sagot kahit wala namang mahanap.
Nakakatuliro naman ang babaeng 'yon!
Napatingin ako sa orasan at nakitang mag aalas-dose na pala. Hindi ako dinadalaw ng antok kaya naisipan kong lumabas ng bahay. Hindi na 'ko nagpaalam sa kanila dahil alam naman nilang babalik ako.
Sumakay ako ng kotse at nagdrive kung saan lang ako makadaan at hindi ko namalayang papunta ito sa kung saan nagtatrabaho si MDG.
Hindi ko talaga matantanan ang pagtawag sa kaniya ng MDG.
Bumagal ang pagpapatakbo ko nang maaninag ang isang pamilyar na tao na nakayuko at nakaupo sa labas ng pizza shop. Nagmadali akong bumaba ng sasakyan at lumapit sa kaniya.
Nakatitig lang ako at hindi alam kung anong gagawin. Dumagdag pa ang pabackground music ng bahay sa malapit!
Malandi rin talagaang tadhana namin.
Dahan-dahan akong umupo pero malakas ata ang pakiramdam nitong isa at nag-angat ng tingin.
Natigilan siya at hindi makapaniwalang nakatitig sa 'kin kaya napatitig na rin ako! Bakit parang kilig 'tong nararamdaman ko?
Sa'yong mga halik,
Sa'yong mga pisngi.
Dumadampi ang labi na walang kasing tamis"Hindi mo sinabing gusto mo palang mapag-isa, pwede naman kitang samahan. Mas masaya 'pag tayong dalawa" ngumiti ako sa kaniya pero ang tagal niyang tumitig.
Sa init ng yakap,
Natutunaw ang puso
'Di ba halata na ako'y adik na sa'yo.Ilang segundo na ang dumaan pero ang tahimik pa rin niya.
Napaka-diretso mo kasing magsalita, Seth! Nabibigla yung delivery girl mo.
"B-bakit ka nandito?" Sa wakas at nagsalita na rin siya!
Pumangalumbaba ako sa harap niya kaya lang sobra atang napalapit yung mukha ko sa mukha niya kaya nanlaki ang mata niya at hindi nakagalaw.
"Dinala ako ng tadhana sa 'yo" ginamit ko ang napakalambing kong boses para siya naman ang kiligin. Tss! Kinikilig kaya 'to?
Tinaas baba ko pa ang kilay ko para mabaliw na siya sa kilig. Pero mabilis na nagswitch ang itsura niya at isang mapang-asar na mukha ang binigay niya sa 'kin bago umayos ng upo.
"Hindi lahat ng madadaanan mo kailangan mong hintuan. Paano ka nakakasiguradong tadhana ang nagdala sa'yo dito? Hindi ba't 'yung kotse mo 'yon?" Nginuso niya ang kotse kong nakaparada lang sa malapit.
BINABASA MO ANG
My Delivery Girl
FanfictionSiandria Kaori Fuente is a delivery girl from this pizza shop called, Circle In A Box. A man hater? Maybe. A ghost from the past? Yes, her Dad. But one day, she went in to this house to deliver a box of pizza and saw a man named Seth Seventin Zarago...