MDG 4

460 29 1
                                    

Walang ganap,Sunshines,'no? Ito,isang buong chapter na sila lang:)

Seth's POV

"I repeat your order, Sir. Two boxes of beef mushroom pizza and one box of hawaiian pizza" pag-uulit ng babae sa order ko.

"Yes. Same address, same delivery girl ha?"  at binaba ko na ang tawag.

Bumalik ako sa pagkakasandal sa sofa. Home is where you find your comfort zone, wherein you find peace, happiness, contentment,and other too good to be true feelings that you might feel in that four corners.

There's something missing.

I don't see any colors behind those feelings.

Tuwing naiisip ko si MDG,nakikita at nakakausap, ewan ko,iba yung feeling. Parang pinapapasok ako sa ibang klase naman ng buhay.

I'm not scared of entering other people's life. I'm scared that it might closed when I 'am near. Na baka wala pala akong lugar doon. Na baka saraduhan lang ako kasi hindi pala puwede.

"Aish! Ang drama naman! Arghh!!" Inis akong napahilamos sa mukha ko. Sabado ngayon at nag-order ulit ako ng pizza. Araw-araw 'yon ang laman ng tiyan ko tuwing hapon.

Oorder ako ng two or three boxes tapos hindi ko naman maubos-ubos!Naiimbak lang sa ref!

"Bakit ba kasi hinahanap-hanap mo 'yung babaeng 'yun, Seth!" Kulang nalang ay sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa nari-realize.

"Gusto ko ba 'yun? Ha, Seth? Gusto mo ba?" Para akong tanga na pinapagalitan, sinesermunan, at tinatanong ang sarili.

Na-pizza na ata ko.

Kinuha ko ang throw pillow at inumpog-umpog ko doon ang ulo ko.

"Aish! Baliw! Baliw! Baliw!"

Natigil ako sa ginagawa at mabilis pa sa alas kwatrong narating ang pinto para silipin kung siya na ba 'yung nagdo-doorbell. Pinagpagan ko ang sarili kahit wala namang dumi at hindi naman lukot ang damit ko. Kamay na rin ang ginamit ko pang-suklay sa buhok.

"Ah, Sir? Hindi niyo pa po ba bubuksan?" Napaayos agad ako ng tayo at hinarap ang katulong.

"Ako na po magbubukas,Sir"

"Ah, hindi na! Si MDG 'yun kaya ako dapat ang magbubukas" sinilip niya ang labas para makumpirmang si MDG nga.

"Ahhh, kaya pala kayo ang magbubukas, Sir eh! Sige po, areglado!" Nagpaalam na siya at bumalik sa taas para ipagpatuloy ang paglilinis ng kwarto ko.

Sinabihan ko na kasi sila na kapag si MDG ang nandiyan,ako ang magbubukas ng gate.

Konting buntong-hininga at lumabas na 'ko.

Tahimik akong naglakad papuntang gate at nakangiti lang akong binuksan iyon.

"Hello" normal ang pinapakita ko sa kaniya ngayon. Ayaw niya ata ng maingay katulad kahapon.

"Huh? Weird" bulong niya pero narinig ko naman. Nakakunot nanaman ang noo nito habang tinitignan ako. Tumatabingi pa nga ang ulo niya na parang pinag-aaralan ako.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

"Wala naman. Nagsimba ka ba kanina?"

"Hindi"

"Napagalitan?"

"Hindi"

"May kasalanan?"

"Wala"

"May gusto?"

"Meron" nanlaki ang mata ko sa naging sagot ko! Bakit kasi na-fast talk ako?!

"I mean, wala! Teka nga, nasan na ang pizza ko?" Kunwari ay hindi na 'ko natutuwa sa kaniya.

My Delivery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon