MDG 20

239 9 0
                                    

Kaori's POV

"Tanga! Sabing paghiwalayin mo,pinagtabi mo naman!" Binatukan ng isang lalaki 'yung lalaking nagpaupo kay Seth.

"Bakit ba utos ka ng utos?" Reklamo nito kaya nangunot ang noo ko sa kinikilos nila.

Teka..

"Manang! Pakikuha nga 'yung baril ko diyan sa taas!" Biglang sigaw ni Seth at nagsiayos ng tayo ang limang lalaki at nagsikuhan.

"Uy ano ba!" Sabi nila sa isa't isa at halatang natataranta na nang tumayo si Seth at lumapit sa kanila.

Humablot ako ng unan at at mabilis na tinakbo ang kinaroroonan ng lima atsaka ko sila pinaghahampas isa-isa.

"Akala niyo magandang biro 'yon?!Nakakatawa ba! Ano? Masaya na kayo? Masaya na ba!" Galit na galit na sigaw ko sa kanila habang nanggigigil ko sila pinaghahampas ng unan.

"Pre! Tulong!" Sigaw ni Achi habang sinasangga ang paghampas ko.

"Aw! Hindi mo man lang ba 'to aawatin?----aray!!" Sinapol ko sa mukha si Ali.

"Face the consequence mga pre" sabi ni Seth at doon lang ako tumigil na hampasin sila pero hindi pa ako tapos.

"Kayong lima, puro kayo kalokohan!" Bulyaw ko at ni isa ay walang may gustong salubungin ang tingin ko.

"Joke time lang---"

"Oh talaga ba, Art? Joke time ba 'to para sa 'min?" Tinignan ko silang lima. Ang sarap talagang pag-uuntugin!

Akala ko kanina katapusan na namin ni Seth. Halos malagutan na ako ng hininga dahil sa kaba tapos lokohan lang pala?

"Bago kayo mag loko isipin niyo muna kung gusto naming magpaloko sa inyo. Hindi sa lahat ng oras, oras ng biruan at wala rin akong oras na makipag-biruan sa inyo" sinamaan ko sila ng tingin bago mag walk-out.

Dumeretso ako sa kwarto at nagmukmok. Alam kong OA tignan pero sobra lang kasi talaga akong kinabahan kanina na para bang tatakasan na ako ng bait at mahihimatay. Sumakto pa na kakaalis lang ng Daddy ni Seth nun tapos bigla silang eeksena ng ganyan?

Humiga ako at tinitigan lang ang kisame, naghahanap ng sagot sa lahat ng nangyayari. Sa mga oras na mag-isa ka at feeling mo tahimik ang mundo, doon mo lang matatanong ang sarili mo at marerealize ang mga bagay-bagay.

Sa oras na mag-isa ka, doon mo lang maiisip na magtanong sa mundo kung ano ng nangyayari sa buhay mo. Dahil tuwing mag-isa ka, doon mo lang nakikita ang halaga ng mga maaaring mawala.

Pabigat ba talaga ako sa buhay ni Seth?

Ipapahamak ko ba talaga siya?

Napabuntong-hininga ako at umiling.

"Huwag kang mag-isip ng ganiyan, Kaori, idodown mo lang ang sarili mo" tinapik ko ang sarili kong pisngi.

Bumangon ako at lumabas ng kwarto. Sinilip ko sila sa baba at mukhang nag-uusap lang sila kaya naman pumuslit na ako sa likod ng bahay para doon tumambay at makahinga man lang ng maayos.

Habang naka-upo ako ay may bigla akong naalala.

"Oh sh*t!" Agad-agad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ni Jelay. Nakakadalawang ring palang ng sagutin na niya.

"Jelay, sorry! Nawala sa isip ko na may trabaho ako ngayon!" Bungad ko sa kaniya.

"Hay nako. Miss na miss ka na ng motor mo dito! Ayos lang 'yan, naiintindihan ko naman"

"Pasensya na talaga. Masyado lang madami ang gumugulo sa isip ko kaya nakalimutan ko"

"Oo na. Hindi mo ba kukunin 'tong motor mo dito?"

My Delivery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon