Usap tayo sa twitter pagkatapos nito hehe sorry in advance.
Seth's POV
"Wala akong mahanap na dahilan kung ano bang kailangan nila sa 'kin. Buong buhay ko, wala akong natatandaang may inapakang tao tapos ganito? Bigla nalang susulpot 'yung banta sa buhay ko ng hindi ko alam kung sino o kung anong dahilan nila" kitang-kita ko sa mga mata niya kung paano siya naguguluhan at nasasaktan sa mga nangyayari.
"Pero ang hindi ko matanggap ay 'yung dinadamay ka na nila dahil sa 'kin, dahil pinoprotektahan mo 'ko" pinili kong makinig sa mga hinanakit niya dahil baka hanapin nanaman niya sa iba.
Pinanood ko siya at pinakinggan kahit pigil na pigil na 'kong patahimikin siya dahil ayokong mas maramdaman niya na kasalanan niya lalo na kung hindi naman talaga.
"Gabi-gabi iniisip ko kung ano bang dapat kong gawin? Tutunganga nalang ba 'ko at panonorin ang unti-unting pagkasira ng buhay mo? Kasi ang alam ko kapag nagmamahalan ang dalawang tao dapat parehas kayo ng nararamdaman, hindi 'yung isa lang ang nasasaktan" dinuro niya ang table ng paulit-ulit sa huling linya niya.
Sobrang bigat na sa dibdib na makitang nag kakaganito siya. Na pagod na siya pero ayaw niyang sumuko.
"Kaya please...Seth, huwag mo na silang sundin. Tuwing nakikita ko 'yang mga pasa sa mukha at katawan mo parang sinasabi sa 'kin na, kasalanan mo 'yan kasi wala kang ginagawa, na sa totoo lang gustong-gusto ko nang kumilos pero alam kong ayaw mo" nababasag na ang boses niya at parang pinapatay na rin ako sa nangyayari.
Ang bawat sakit na nararamdaman ko sa katawan ko ay walang-wala sa sakit kapag puso na ang uminda.
"Kaori...intindihin mo nalang ako, ginagawa ko 'to para sa 'yo, para mabuhay ka"
"At ano? Hahayaan kitang mamatay, ganun? Maiiwan akong mag-isa, Seth, maiiwan mo 'ko" may kumawalang luha sa mga mata niya kaya napaiwas ako ng tingin.
"Kaori, sana maintindihan mo na ayokong saktan ka nila kasi doble ang sakit sa 'kin---"
"Yan ang nararamdaman ko ngayon, Seth"
"Sa oras na hindi ako sumunod, sasaktan ka na nila at 'yun ang kinakatakot ko. Kaori, inumpisahan ko na, hayaan mong ako ang tumapos" napahilamos siya sa kaniyang mukha.
"Ngayon lang ako humiling sa 'yo, Seth. Ngayon lang ako nakiusap pero kung buo na talaga ang desisyon mo at hindi na kita mapipigilan, please huwag kang magpakita sa 'kin hangga't may marka ng pagbugbog nila sa 'yo diyan sa katawan mo" dumeretso ang tingin ko sa kaniya.
"Hindi ko na kayang makita 'yan araw-araw dahil hindi ako makahinga, makakain, makatulog, makakilos ng maayos sa tuwing haharap ka sa 'kin ng may pasa sa mukha..."
"Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang puno't dulo nito, hinding-hindi ko siya mapapatawad kahit kailan" tumayo na siya at umalis.
Gustuhin ko man siyang sundan ay hindi ko kaya dahil nakakapanghina at alam kong kailangan niyang mapag-isa ngayon.
Ginulo ko ang buhok ko at yumuko sa lamesa. Kailangan ko ng mag-isip ng dapat kong gawin. Hindi pupwedeng araw-araw akong hindi magpapakita kay Kaori dahil sa mga pasa ko. Dapat ng matigil 'to.
Dapat ko ng kausapin si Tito na umalis na siya doon ng tuluyan at magpakita na sa anak niya. Mas magandang makakalaban kami ng nagtutulungan at makakasama pa niya ang anak niya.
Tsaka na kami gagawa ng plano kapag nagkita na sila ni Kaori.
"Kakatapos lang ng klase at hapon na hapon nag-aya kang uminom? Susunduin mo pa si Sia mamaya 'di ba?" Sabi ni Kurt sa 'kin nang makarating na siya dito sa bar na tinext ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
My Delivery Girl
FanfictionSiandria Kaori Fuente is a delivery girl from this pizza shop called, Circle In A Box. A man hater? Maybe. A ghost from the past? Yes, her Dad. But one day, she went in to this house to deliver a box of pizza and saw a man named Seth Seventin Zarago...