Follow my account, @imjeyuelayofcl
Kaori's POV
Ilang taon na ang lumipas magmula nang iwan kami ni Tatay para sumama sa pangalawa niyang pamilya.
Ang sakit na nakakatawa sa pakiramdam dahil para kang napaglaruan ng tadhana ng hindi ka man lang inabisuhan.
At 'yung nangyari kanina sa pagitan namin ni Seth, isa iyon sa mga pangyayaring hindi ko inaasahan. Ewan ko,may naramdaman akong kakaiba kanina na hindi mapaliwanag. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. Naninibago ako.
Kinuwento ko ang pangyayaring halos tumangay sa kalahati ng pagkatao ko. Umiyak ako sa harap niya na kahit nakapikit ay alam kong nakita niya ang umagos kong luha.
Ano ba 'tong ginagawa mo sa'kin, Seth? Anak ng pizza naman!
Ngayon ay nakaharap kami sa isa't isa, sa hapag-kainan at kumakain. Ang awkward lang dahil nasa magkabilang gilid ang mga yaya niya. Bakit ba binabantayan pa 'to?Masyadong pa-senyorito.
"Pst!" Mahinang pagtawag ko pero masyado siyang busy kumain.
"Uy" may kasama ng mahinang pagsipa sa ilalim ng lamesa.
"Alam mo? Iba rin ang style mo magpapansin 'no? Verryyyy silent" bigla niyang sinabi kaya naman napatingin ako sa mga yaya niya na naiiling nalang sa pinagsasabi ng lalaking 'to.
"Ikakahon na talaga kita! Bwiset" pinanggigilan ko nalang ang plato at maingay kong pinagtatama ang kutsara't tinidor sa plato para iparamdam sa kaniya ang inis ko.
"Sige na mga Ate, iwan niyo na kami at mukhang may puputok nanaman na bulkan ngayon" napairap nalang ako sa pagpaparinig niya.
"Okay, MDG, sabihin mo na dahil tayong dalawa nalang ang nandito" humigpit ang hawak ko sa tinidor dahil nagsisimula na 'kong mainis nanaman sa taong 'to.
"Yung mga pinagsasabi ko kanina, kalimutan mo na lahat. As in lahat" sabi ko habang kumakain.
Ayokong magsungit sa oras na 'to, gusto ko lang talaga na kalimutan niya ang nangyari kanina.
"Alam mo ba..." natigil ako sa pagkain at nag-angat ng tingin sa kaniya. Nakita ko nanaman ang mukha niyang hindi kakikitaan ng emosyon. Ang hirap basahin dahil ang galing niyang magtago ng tunay na nararamdaman.
"Kung ano ang ginagawa mo sa 'kin?"
Gusto kong hawakan ang dibdib ko dahil parang may tumatakbo sa puso ko ngayon. Ang seryoso ng itsura at pagkakasabi niya. Sino ba namang babae ang hindi tatablan niyan?"Sa pagkakaalam ko, wala akong ginawang masama sa 'yo" Sa'n ba 'ko nakakakuha ng lakas ng loob para magsalita pa ngayon?! Aish!
"Isang pamilyar na pakiramdam na ayaw kong maramdaman nanaman" pero kailangan kong magmukhang matapang ngayon kahit narurupukan na 'ko sa sarili ko.
Binitawan ko ang kutsara't tinidor tsaka sumandal sa upuan at nakipagtitigan sa kaniya.
'Yang mga titig na 'yan ang pahamak eh! Mas masarap pang tumitig sa mga mata niya kaysa kumain ng pizza.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Kanina lang nang-aasar ka tapos ngayon seryoso ka na? Ano bang problema?"
Tanong ko kahit na ayaw ko ng pagsalitain pa siya. Nakakakaba eh."Hindi mo rin ba nararamdaman?"
"Ang alin ba?"
"Basta 'yung pakiramdam na 'yon!" Nagulat pa 'ko sa pagtaas ng boses niya.
"Alam mo? Kung hindi ka maka-usap ng matino ngayon, mauna na 'ko. Salamat sa pagkain" tumayo na 'ko at tumalikod pero agad ding natigil nang magsalita siya.
BINABASA MO ANG
My Delivery Girl
FanfictionSiandria Kaori Fuente is a delivery girl from this pizza shop called, Circle In A Box. A man hater? Maybe. A ghost from the past? Yes, her Dad. But one day, she went in to this house to deliver a box of pizza and saw a man named Seth Seventin Zarago...