MDG 14

321 15 2
                                    

Seth's POV

The best thing that will possibly turn your world up and down is when your girl already said "Yes".

Ito na 'yun.

Official na talaga.

Kami na ni Kaori.

Kaori. Kaori. Kaori.

"Huy!" Malakas akong tinapik ni Kaori sa balikat habang magkatabi kaming nanonood ng movie.

Simula ng sagutin niya ko last week, naging sakit ko na ang pagtawag lagi ng Kaori sa kaniya.

"Ano ba naman, Kaori" kinurot niya ko sa pisngi at sumandal ulit sa balikat ko habang kumakain ng pop corn.

"Gustong-gusto mo talaga na tinatawag mo na 'kong Kaori 'no?"

"Oo naman. Kinikilig ka kasi eh"

"Hala! Hala! Poging-pogi ka nanaman sa sarili mo!"

Halos matulak ko siya sa ginawa niya. Dumakot ba naman ng pop corn tapos sinalpak lahat sa bibig ko!

"Nagpapalambing ka nanaman ba?" Sigaw ko pero may kasamang pagmamahal.

"Ay ang kapal!" Hindi ako nakaiwas nang binato niya 'ko ng pop corn sa mukha.

"Kapag nahuli kita hindi ka na makakawala sa 'kin!" Aakma pa lang ako ng takbo ay kumaripas na siya paakyat sa kwarto niya at narinig ko ang pag-lock ng pinto.

"Takot ka pala eh!" Sigaw ko habang tumatawa.

"Good morning, Ma'am or Sir! This is Circle In A Box, ano pong order nila?"

Kakauwi ko lang galing school, hinatid ko muna si Kaori sa trabaho niya bago dumeretso dito. Kaso, namimiss ko agad eh kaya oorder nalang ako ng pizza para makita ko siya saglit.

"This is Seth Zaragosa, usual----"

"Wait, Sir----Sia! Customer mo!"

"Anong ako? Ikaw ang nakatoka dito---sino ba 'to? Hello?" Dahil tunog badtrip ang boses ng girlfriend ko, may naisip akong gawin.

I cleared my throat and started singing.

"Alam mo bang may gusto akong sabihin sa'yo,
Magmula nang makita ka naakit ako,
Simple lang na tulad mo ang pinapangarap ko,ang pangarap ko"

"....."

"Kaya't sana'y maibigan mo ang awit kong ito para sa'yo
Dahil simple lang ang pangarap ko
Mahalin ang katulad mo
Sana ay mapansin mo dahil
Simple lang ang pangarap ko
Maging ikaw at ako
Ang tanging ligaya ko
Simpleng tulad mo" napangiti ako sa dulo ng lyrics dahil siya talaga ang iniisip ko habang kumakanta.

"Nahimatay ka na ba sa kilig diyan?" Tanong ko dahil hindi pa rin siya nagsasalita.

"...."

"Kaori!" Pagtawag ko ulit.

"Hala ka!" Tumunong ang telepono sa kabilang linya bago may sumagot.

"Hello, Sir? Ay naku Sir! Bagsak na 'tong jowa niyo! Nakatulog oh!---Sia, gising"

"Ano?" Natawa ako ng malakas at napahawak sa noo ko. Napaka-imposible naman nitong babaeng 'to.

"Hala siya! Tinulugan si Boyfie! Oh"

"Hala, Seth! Sorry nakatulog ako!" Kung nasa tabi ko siya ngayon, napisil ko na ang pisngi niya sa sobrang kacute-an.

"Ayos lang. Huwag mo kasi masyadong pinapagod ang sarili mo. Hindi naman kita pinuyat kagabi ah?"

My Delivery GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon